EDSA 2 by Erman BallecerAng paksa ng susunod kong kolum sa Pinoy Gazette ay ang EDSA 2 at ang pagkakabanggit nito sa paper na “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises” ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila.

“The CBCP statements from the year 2004 to 2008 showed the end of the era of the CBCP’s political activism, in the sense of organizing rallies, that has blurred the line separating the Church and the State. The era of political activism faded away with the passing away of Cardinal Sin,” dagdag pa niya.

Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian — sa mga kademonyohan ng ating mga lider — ay magiging isyu ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado. Sa tingin ko, kung sinasamahan o pinamumunuan lamang ng Simbahan ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng karapatan nilang humingi ng isang mabuti at makatarungang pamamahala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Saligang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didiktahan ng Simbahan ang pangulo na ipatupad sa gobyerno ang mga utos ng Simbahan.

Tungkol sa EDSA 2, ganito ang sabi ng paper:

The current direction of the CBCP to strengthen political institutions to solve and prevent political crises is a kind of a corrective measure of EDSA II which weakened political institution in the sense that it did not wait for the verdict of the Senator-Judges in the impeachment case against Pres. Estrada. It did not respect the rule of law. It did not give the duly instituted political institution a chance to assert itself and prove its strength to handle such a political turmoil. For this reason, the CBCP did not mention EDSA II, for it did not help strengthen our political institutions. The parliament of the streets, also known as mob rule instrumental in the ouster of Erap Estrada was a shortcut to achieve political change. It was counterproductive, for it weakened our political structures.

Sa aking opinyon, na ibinahagi ko sa mga mambabasa ng Pinoy Gazette, “ang People Power 2 ay hindi ginawang mali ng mga kamalian ni Ginang Arroyo, na nakinabang sa pag-aalsa. Kung humina man ang mga institusyon, hindi ito dahil sa EDSA 2. Ito ay dahil sa ginapang ang mga ito ni Ginang Arroyo sa pagtataguyod niya ng kanyang sariling kapakanan — sa tulong na rin ng ilang mga kaibigan niyang pulitiko at ilang taong-simbahan!”


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center