Sana nga, totoong nagbibiro lang si Pangulong Cory Aquino nang mag-sorry siya kay Erap dahil sa naging papel niya sa pagpapatalsik sa dating pangulo noong EDSA 2.
Noong 2005, nang sabihin ni Tita Cory na pinagsisisihan na niya na nakatulong siya sa pagkakaluklok ni Gloria Arroyo sa puwesto, ganito ang bahagi ng isinulat ko:
Pero kahit naiintindihan ko ang feelings ng iginagalang na dating Pangulo, bilang bahagi ng People Power 2 ay wala akong pinagsisisihan. Katulad ng ipinaglalaban ng mga mamamayan sa mga pagkilos upang paalisin si Gloria ngayon, katotohanan at katarungan din ang sigaw natin sa EDSA at Mendiola noong 2001. Tumalikod sa interes ng masang kanyang ipinangakong pagsisilbihan — at kumita pa mula sa kanilang barya-baryang taya sa jueteng — ang noo’y nakaupong pangulo. Hindi mali at hindi dapat pagsisihan ang pagpapaalis sa kanya.
Ganyan pa rin ang paniniwala ko, kaya nga sumali ako sa grupong ito sa Facebook.
Ako din, mua EDSA I at II kasali ako…pero intindihin nio na lang si Cory, she’s sick..and reflecting her life…asking forgiveness for those she have hurt…
Lyndsays last blog post..Tips on How to Make a Girl Fall In Love with You
Yun din ang paniwala ko, di dapat siya nag sorry..