Hinanap ko ‘yong viral video ni Larry Gadon, ‘yong Duterte diehard supporter (DDS) at Marcos loyalist na abogadong disbarred na ngayon.
Ang meaning ng “disbarred” ay tinanggalan ng lisensiya bilang abogado. Dinisbar noong June 27, 2023 ng Korte Suprema si Gadon dahil sa inasal niya sa isang viral video. Pinagmumura ni Gadon sa nasabing video ang mamamahayag na si Raissa Robles. Ayon Supreme Court, eskandaloso at nakasisira sa legal profession ang ginawa ni Gadon. Nilabag niya ang Canon II on Propriety of the Code of Professional Responsibility and Accountability, sabi pa ng Kataastaasang Hukuman.
Lahat ng 15 mahistrado ng Korte, bomoto para idisbar si Gadon. Dati na rin siyang sinuspende ng Supreme Court. May mga pending siyang kaso sa Integrated Bar of the Philippines.
Nasa ibaba ang link sa sa viral video scandal ni Larry Gadon. Trigger warning: pagmumura at bad words. Nakaka-high blood ang pakikinig sa mga masasamang salita ni Gadon.
https://www.youtube.com/shorts/tplNAeK8AvI
Bago ang kanyang disbarment, ini-appoint si Gadon bilang presidential adviser for poverty alleviation. Ang nakaupo sa Palasyo, tila wala namang mahanap na ibang makagagawa trabaho. Tuloy pa rin daw ang appointment ni Gadon kahit hindi na siya abodago.
Si Larry Gadon din ‘yong noo’y abogadong sumikat sa paninigaw ng “bobo.”
Lorenzo Gacilo Gadon ang buo niyang pangalan. Graduate siya ng commerce at abogasya sa Far Eastern University. Tatlong beses na siyang tumakbo at natalo sa pagkasenador sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan. Noong isang taon, bahagi siya ng alyansang UniTeam.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
November 28, 2022
ImagineLaw: Road crashes kill 1,670 children yearly
Public interest law group ImagineLaw on Sunday urged the government to save…