May mga dalawang oras na mula nang makarating ako rito sa bahay namin sa Marinduque, pagkatapos ng may kalahating araw na biyahe. Umalis ako sa Kamuning around 8am: Jeep -> bus -> tambay sa port kasi naiwan ng barko -> barko -> jeep -> tricycle, at nakarating sa bahay around 8pm.
Nakahiga na si Nanay Diding nang dumating ako. Patulog na yata sila, pero nabulabog sa pagdating ng panganay niyang apo. Nung birthday pa niya earlier this year ako huling nakauwi. After kong ibigay ang mga pasalubong kina Nanay, kumain muna saka kami tumawag sa mga tiya ko sa Germany.
Sa ngayon, nakadapa ako sa banig na nakalatag sa sahig na kawayan ng munti naming bahay. Ayoko sanang magkulambo pero mukhang mapipilitan ako dahil nagpapakitang gilas na ang mga lamok. Tila gusto pa ngang makipag-agawan ng kanilang ugong sa huni ng mga kuliglig sa paligid.
Share ko lang: Dati’y pangarap ko lang siguro na balang araw ay magkakaroon ako ng Internet connection at makakapag-blog habang narito’t padapa-dapa nang ganito. Nagkatotoo rin. Salamat sa Yahoo! at sa Smart Bro! 😀
Maiba tayo. Hiniram ko ang title ng post na ito sa book ni Ms Janette Toral, ang “Blogging from Home.” Ang librong ito ay para sa mga ordinaryong Internet user na gustong matutong mag-blog. For more info on the book, visit www.bloggingfromhome.com. Get a copy of the book from any of these resellers.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 7, 2025
Ascott adds pet-friendly stays at lyf one-north SG
Guests’ furry companions are welcome.
April 3, 2025
BRGY S2S susugod sa Quezon City
Novaliches, ang unang susugurin ng BRGY S2S ngayong 2025.
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.
Hi Ederic. Maraming salamat sa pagbanggit mo ng aking aklat rito. =)
Janette Torals last blog post..Call for nomination: Keynote Speakers: Social Networking & eBusiness Conference
Kuya, umuwi ka pala? Yang ige mo. Sana nainvite kita sa Xmas Party namin sa White Beach.
ba, mukhang masarap yang padapadapa na lang habang nagba-blog! hehe. speaking of lamok, naalala ko na dati nagkasama tayo sa isang lakad doon sa lugar na marami ang lamok. anyway, ngayon ay lumipat na ako sa wala masyadong lamok. kung nasa malapit ka lang, sana makadaan ka sa aking booklaunching ngayong Pebrero. Itong bago kong nobela ay tamang-tama para sa Valentine’s day. bisitahin ang aking blog para sa ibang detalye. balak talaga kitang imbitahan dito 🙂
anijuns last blog post..Pabalat ng Batbat Hi Udan
Kelan mo kami aayain sa inyo? hehe.
At anong laptop kaya ang bitbit ni Ederic sa kanyang higaan? 😀
Masakit na likod ko sa pagpaikot-ikot sa internet. Sana dumating din ako sa punto na padapa-dapa sa higaan habang nag iinternet. Pero kahit di ko na pagtangkaang hilahin itong desktop sa higaan at least di rin naman banyagang karanasan iyong pagpiyestahan ng lamok. Ang quaint naman – uso pa rin pala ang kulambo? 🙂
jans last blog post..Gaza Air Strikes On My Mind
Matagal na din akong hindi nakakatulog sa banig at sa loob ng kulambo. Mga simpleng bagay na nagpapasaya sa akin noon bago pa masadlak sa mundo ng teknolohiya at pagiging burgis. hehehe
jhays last blog post..Masui Mayor beats up 56-yr-old man and 14-yr-old boy – another reason to oppose term extensions, no elections and Cha-Cha