
Habang tumitirik ang mata at kung anu-ano pa ng mga naghihirap na Pilipino sa iba’t ibang dako ng bayang itong pugad ng luha at dalita, ang mga mapapalad sa Palasyo naman ay hindi magkandaugaga sa paghahanda ng isang napakarangyang salu-salo para sa isang panauhin.
Tinuluyan na rin ang mga maralitang taga-lungsod–winasak ang kanilang mga barung-barong upang hindi magmukhang kahiya-hiya sa darating na diyos.
Siyempre, asahang kasabay nito’y ang pagmamakaawa, paghimod sa puwit, at lalong pagpapakatuta ng pinakamataas na pinuno ng bansa. Kapalit ng malaking pera at suporta sa eleksyon sa 2004, isusuko ang pambansang soberanya at karangalan.
Daig pa ang puta.
Ang bayan ay hindi natutuwa sa pagdating dito ng diyos ng digmaan.
Kami sa Filipino Youth for Peace–isang grupo ng mga kabataang Pilipinong netizen na tutol sa giyera ng US sa Iraq–ay naghanda ng mga Web banners gaya ng nasa itaas upang ipangsalubong kay Dubya.
Sana kayo ring mga ayaw sa digmaan at galit sa imperyalismo, lalo na sa mga hindi makakapunta sa mga kilos-protesta, ay magpahayag ng hindi pagtanggap sa bisita ni Gloria sa pamamagitan ng mga malalaking buttons na ito sa inyong websites.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Looking for new Christmas gift ideas?
Aren’t we always? As cheap as possible without sacrificing quality? And unique too? And, most importantly, something that comes with…
ganda ng image mo dito tsong…sarap ibandera sa harap ng cr…saktong panakot. hehe!
tsktsktsk.
magkano b ang gingugol ng gov’t para sa pagdating ni bush? kung inallocate n lng un s mga taong pinalayas malapit sa congress hall, eh di okay sa all right!
Kawawa naman yung mga nawalan ng bahay.
Sana magcrash yung plane niya. o.o hehe
darating na ang sugo ni satanas bukas……
isipin niyo, ipinagtabuyan ang maralitang nakatira malapit sa kongreso dahil bibisita ang isang anghel ng demonyo?
ONLI IN DA PILIPINS! PUT@NG IN@ talaga!
eto na naman tayo, kunwari “maganda” ang pilipinas, kasi may bisita. sana lang makauwi si bush ng mabuti…