Mahal, nais ko sanang lumikha ng tula para sa iyong kaarawan. Ngunit sa tulad kong hindi isang likas na makata, mailap ang anyong ito ng panitik.
Hindi ko batid kung paaano ibuburda sa mga salita at bubudburan ng tugma ang aking damdamin para sa iyo, o kung paano lalapatan ng sukat ang bawat tibok ng aking puso. Hindi ko maikukulong sa mga saknong ang mga alaala ng bawat pagkakataong ginugugol natin sa piling ng isa’t isa. Hindi ko maisasalarawan nang nakakubli ang kahulugan ang ating mga palitan at bahaginan ng mga saloobin, pangarap, at pangamba. Hindi ko kayang isatitik sa mabulaklak na panitik ang kilig na dulot ng iyong tinig at ang kiliting dala ng iyong mga titig at dampi. Hindi ko rin maihahanay sa patulang sulat maging ang mga kaisipang makabayan na kapwa natin niyayakap.
Ang natitiyak ko lamang, ikaw ang mapagmahal na lakambining nagpapasigla sa aking payak na panulat, ang marikit na musang kasuyo at katuwang sa pangangarap, ang nagbibigay pag-asang kasama sa pagsaksi sa kadakilaan ng mga obra ni Bathala.
?Yun nga lamang, matulain man ang ating pag-ibig, ayaw kitang alayan ng tulang pilit.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.