Nakabalik na kami ng mahal ko mula sa tatlong araw na bakasyon sa Marinduque. Binisita namin si Nanay Diding at dumalo kami sa birthday celebration ni Tia Dencia, asawa ng kapatid ni Tatay Andoy. Maikli at madalian lang ang bakasyon. Naging pinal lang ang dedisyon naming umalis sa mismong gabi ng biyahe.
Siyempre masaya. Mabilis at mapayapa ang paglalakbay papunta sa amin, liban sa letseng tiket na saka ko na ikukuwento sa inyo. Dumating kami sa bahay nang Sabadong umaga at pumunta sa bayan para sa kita-kits ng pamilya noong hapon. Tumagal ang kainan, kuwentuhan, at inuman hanggang maagang bahagi ng gabi. Medyo na-hot seat kami nang konti, pero masaya naman.
Noong Linggo, dapat ay pupunta kami ng mga pinsan ko sa baranggay ng girlfriend ni Ernel, pero dahil sa buwisit na signal ng Smart ay hindi natuloy ang balak na picnic sa tabing lawa (o ilog ba ‘yun?). Ang nangyari, inuman na lang noong gabi sa bahay. Naroon sina Jay, Ernel, Kiko, at Michael at sumali rin si Bulilit–na kamag-anak ko sa side ni Nanay.
Siyempre, puro Boy Bastos ang jokes. Alam n’yo naman ako, may compilation, hehehe.
Kinabukasan, pumunta kami nina Nanay at Mhay sa bayan. Naglakad-lakad kami ni Mhay. Isinama ko siya sa may simbahan at sa bakuran ng kumbento ng mga madre at ng mga pari na nagsilbing playground ko noong maliit pa ako. Itinuro ko rin sa kanya kung saan ang office ni Mama dati sa parokya.
Dahil malakas ang signal ng 5110 sa bayan at low-batt na ang 7110 ko, itong una ang ginamit namin nang tinawagan ko si Tita Nida s Germany para makausap niya si Nanay.
Kaninang umagang-umaga, madilim pa ay inihatid kami ni Mhay ni Nanay sa sakayan ng dyip. May konting delay sa biyahe pero nakarating naman kami bago maghapon.
Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon, pero okay lang ‘to.
At oo, nabalitaan namin…
Yoko na. Di na yata dapat pansinin ang mga manloloko.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
Hi Ederic! Sarap naman ng bakasyon mo. Haay, ako rin… kelangang ko na ng bakasyon. Kelangang kelangan ko na… 🙁
WAGPAPASUKIN ANG KAIBIGAN NG IPOKRETANG PANGULO NA SI BUSH NA PANGUNAHING SALOT TERORISTA
BRO.,MARINDUQUENO KA BA? HIRAP TALAGA NG BYAHE SA MIN(SA ATIN)., PERO MAS OKAY N NGAYON KESA NOONG ARAW NA ISANG BESES LANG ISANG ARAW ANG LAKAD NG BARKO.SAKA KAHIT PAANO MERON NG SERBISYO NG CELLPHONE SA BUONG PROVINCE.
alam mo hindi kita maintindihan sa kuwento mo pero alam ko na nais mo lamang maibahagi sa amin ang iyong karanasan. kaya salamat sa iyong pagtitiwala sa kapwa na mahilig mag-surf sa web-world
Hello po kuya. Ayan,nagbablog na ulit ko. Ako man ay magbabakasyon pero sa ibang bansa. Sana ay magkita-kita pa tayo. Miss ko na kayo ni Ate My. 🙂 Ingat kayo palagi.
Hindi ako masyadong makasakay sa iyong magandang kwento. Pero natutuwa ako sa iyong biyahe. Hindi tulad mo, ang probinsya ko ay sa Bulacan lang, kaya hindi ko na kinakailangan pang sumakay ng barko.
Naway lubos ng mawala sana ang iyong masamang nararamdaman.