“You should be inside.”

Ganiyan ang pakiusap ng aso at ng pusa sa mga billboard ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa EDSA at sa Marcos Highway.

Kahit kaunti lang ang mga nasa labas dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, tinanggap na rin ng PETA ang alok ng HDI Admix na maglagay ng billboards sa Kamaynilaan.

Umaasa silang mahikayat ang mga umalis sa kanilang mga tahanan nang hindi dahil sa tawag ng tungkulin — o matinding pangangailangan — na umuwi at gumugol ng oras kasama ang kanilang mga alaga o subukang magkupkop ng mga hayop na nangangailangan ng tulong sa gitna ng ECQ.

“Erecting ads that hardly anyone will see might not start the next animal rights revolution, but if they remind just one person to show his or her animal companion some love, then that’s a victory in these tough times,” ayon kay PETA Senior Vice President of International Campaigns Jason Baker.

Ang mga billboard ng PETA ay makikita sa:

  • Camp Aguinaldo, along EDSA (northbound);
  • Genesis Transport Bldg., EDSA corner New York St. (northbound);
  • 697 EDSA (southbound), Cubao; at
  • Buenviaje Building II, along Marcos Highway (in the direction of Antipolo), Marikina City

“PETA’s lockdown life hacks are cooking vegan meals, fostering a dog or cat, and enjoying lots of playtime with your four-legged family members,” dagdag pa ni Baker.

Hinihikayat ng PETA sinumang may kakayahang mag-ampon ng hayop na kontakin sila sa Info@PETAAsiaPacific.com.

Ayon sa grupo, maraming hayop na mag-isang nakikipagsapalaran ngayon sa mga lansangan kung saan maaari silang masagasaan, magkasakit, o makaranas ng pang-aabuso.

Ang mga panawagan ng PETA — magkupkop ng mga hayop, huwag kailanman bumili mula sa mga breeder o tindahan ng mga hayop, at ipakapon ang kanilang mga alagang hayop.

Nauna nang nagbigay ang PETA ng pet care tips sa gitna ng COVID.