Sinalubong ako kaninang umaga sa opisina ng balitang pumanaw na si Haydee Yorac. Gaya ng mga nakasaad sa mga nauna kong article, si Yorac ay isang ehemplo ng isang totoong lingkod ng bayan. Matapat, malinis, may prinsipyo, may pag-asa at tiwala sa kabataan. At higit sa lahat, si Yorac ay hindi nang-gloria.

Dumulog siya minsan sa ating mga botante, ngunit hindi siya pinahalagahan. Sabi nga ng mga kasama ko sa opisina kanina, ang mga tulad ni Yorac ang dapat mamuno sa ating bansa. Sayang nga lang at hindi nangyayari, hindi na yata mangyayari.

Sadya kayang wala tayong pagpapahala sa tunay na mahalaga?