Congrats kay Rep. Manny Pacquiao at sa lahat ng kanyang mga tagahanga. Panalo na naman tayo.
Di ko na ikukuwento ang laban. Balikan n’yo na lang ang ng Yahoo! Philippines sa Ringside With Manny.
Ibabahagi ko na lang ang jokes at tweets na nabasa ko kanina habang nakikipagsabong si Pacman at pagkatapos niyang talunin si Antonio Margarito:
Galing kay @alexeivee:
Read on Facebook: “Headline bukas: CONGRESSMAN NAMBUGBOG NG MEXICANO!! Buong bansa, nagdiwang!!”
Tweet kanina ni @elvinelvinelvin:
“Hola! Are you watching boxing? Thank you, Las Vegas!” – Venus Raj texting Ms Mexico
At eto pa:
Buti pa si Jinky Pacquiao di na niya kailangang mabaliw kakaisip ng LOTTO combinations. #sheiswifey
Galing naman kay @iamtimyap:
After the fight, Margarito will change his name na daw to “Maga rito” #asinswollenandbloodywawanaman
Hirit ni @djmotwister:
actually @vicki_belo, i know youre an amazing doctor, but even i dont think you can help Margarito with his new face.
At panunudyo ni @gangbadoy:
Floyd Mayweather Jr — are you watching? #gomanny
Sa unang beses na pagkakataong napanood ng Pacmom — si Nanay Dionisia — ang laban ng kanyang anak, muli na naman siyang nahimatay, sa nerbiyos marahil. Sa awa ng Diyos, mabuti na ang kanyang kalagayan habang isinusulat ito.
Samantala, habang nasa laban, inalala pa rin ni Manny ang kalagayan ng kalaban. Sabi sa tweet ng @yphnewsroom:
“Boxing is not for killing each other”-Pacquiao in post-fight interview.He asked Margarito start of 12th if he was OK #RingsideWithManny -JA
Kamaong bato, pusong ginto?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 29, 2020
Mocha, bukod kang pinagpala
Aba, Binibining Mocha / Napupuno ka ng grasya / Ang poon ng mga DDS ay…