Pacman, panalo na naman!

Napapansin ko lang na lagi akong nagba-blog tuwing kakapanalo lang ni Manny Pacquiao. At gaya nang dati, binabati ko ang sambayanang Pilipinong kinabahan para kay Pacquiao, para makita lamang si Joshua Clottey na ginawang punching bag ng ating Pambansang Kamao.

Congratulations, Team Pilipinas, Team Pacquiao, at siyempre, sa Team Jinkee. Ganundin kay Nanay Dionisia.

Panalo na naman si Pacman

Kanina, habang nakikinig sa radyo — wala kaming pay-per-view at di ako makagamit ng Internet — ng coverage ng laban ni Manny Pacquiao, naalala ko ang namayapa kong lolo na si Tatay Andoy. Nakakaaliw siya kapag nanonood ng boksing noong bata pa ako. Medyo maingay siya, at napapasuntok pa sa hangin. Kanina, para siguro akong si Tatay Andoy.

Paano ba namang di ka mapapahiyaw sa pakikinig — hindi pa yan panonood, ha — kung sa unang round pa lang ay dalawang beses bang natumba ang kalaban? At sa ikalawang round pa lang, na-knock out na agad ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton.

Panalo na naman si Pacman. Napasama pa nga siya sa Trends o popular keywords ng Twitter kanina. Pati mga artista sa Hollywood, namangha. Nasa mapa na naman tayo. Dininig ng langit ang mga dasal ni Aling Dionesia. Masaya na naman ang bayan ng Pambansang Kamao. Congrats, Manny; congrats, Pinas!

Manny Pacquiao, panalo ulit!

Update from Will to Win, the latest Manny Pacquiao microsite of GMANews.tv : “Pacquiao wins, keeps WBO title; Barrera retires, winless“.

So yun, panalo si Pacman by unanimous decision. Sa kanya pa rin ang sinturon ng WBO International super featherweight title. Congratulations, Pilipinas! Kahit inaapi tayo ng mga “desperado,” at inaano ang respetadong dating presidente natin, bakal naman ang pambansang kamao natin. Ano, suntukan na lang! Hehe. Continue reading

Pacquiao, Ali, at Miles

Ansaya-saya nila, no? Sa tuwing umuuwi si World Boxing Council International Super Featherweight champion Manny Pacquiao galing sa matagumpay na sabong ng tao, lagi nating nakikita ang ganitong eksena sa pagitan nina Manny at Pangulong Gloria Arroyo. Bonus pa ang pagwawagi rin noong Linggo ni WBC Youth Super Featherweight champion Bernabe Concepcion. Bumisita ang dalawang boksingero kanina sa Palasyo. Continue reading

Sigwa ng Enero 27, 2006

Tumatagaktak ang pawis ko kahit ang kalahati ng katawan ko ay napapatakan ng mahinang ambon. Patuloy na kumakapal ang tao. Di magkamayaw. May nagsasalita, may tumatawa. Ilang sandali pa’y lalong umingay ang paligid. Dumagundong ang tunog ng tambol. Nagkagulo na.

Pumapasok na ang float ni Pacman aming bakuran.