Kanina, habang nakikinig sa radyo — wala kaming pay-per-view at di ako makagamit ng Internet — ng coverage ng laban ni Manny Pacquiao, naalala ko ang namayapa kong lolo na si Tatay Andoy. Nakakaaliw siya kapag nanonood ng boksing noong bata pa ako. Medyo maingay siya, at napapasuntok pa sa hangin. Kanina, para siguro akong si Tatay Andoy.

Paano ba namang di ka mapapahiyaw sa pakikinig — hindi pa yan panonood, ha — kung sa unang round pa lang ay dalawang beses bang natumba ang kalaban? At sa ikalawang round pa lang, na-knock out na agad ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton.

Panalo na naman si Pacman. Napasama pa nga siya sa Trends o popular keywords ng Twitter kanina. Pati mga artista sa Hollywood, namangha. Nasa mapa na naman tayo. Dininig ng langit ang mga dasal ni Aling Dionesia. Masaya na naman ang bayan ng Pambansang Kamao. Congrats, Manny; congrats, Pinas!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center