Nagulat ako nang mabasa ko ‘yan sa Twitter ni Rep. Teddy Casiño ngayong gabi. Wala na pala si Perry — isang makabayang manunulat at aktibista mula sa Kabikulan.
Bagama’t hindi kami nagkakilala ni Perry nang personal, isa siya sa mga nakasalamuha’t nakasama ko sa matagal-tagal ko na ring paglalakbay sa cyberspace. Ang kanyang Kaiba News and Features ay naging katropa ng aking Tinig.com. Inilathala namin sa Tinig ang mga isinulat nila sa Kaiba. Isang artikulo tungkol sa Bikolanong bayaning si Simeon Ola ang pinagtulungang sulatin nina Perry at ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alex Remollino, na pumanaw rin noong isang taon. Mababasa pa rin sa Tinig.com ang iba pang akda ni Perry.
Bukod sa Tinig.com, naging kapwa kolumnista ko rin si Perry sa Pinoy Gazette, isang diyaryo para sa mga Pilipino sa Japan. Nasa Perry Calara blog ang mga artikulo niya sa Pinoy Gazette at iba pa niyang isinulat. Makikita naman ang mga larawang kuha niya sa kanyang Flickr account.
Makikita sa mga isinulat ni Perry ang pagpapahalaga sa agham at kasaysayan at sa pagkakakilanlang Pilipino at Bikulano. Isa siya sa mga nagsusulong ng pagbabago sa ating bansa. Isang makabayang Pilipino, hangad ni Perry ang tunay na malaya at maunlad na Pilipinas.
Tama si Teddy: A great light has just gone out in the universe.
Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Perry.


Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 20, 2023
Invitation from Kim Bum
Kim Bum will be in Manila on September 22 and in Cebu the next day.
June 9, 2023
Fair-gig at food pop-up para sa Martsa ng Magbubukid
Suporta sa mga magsasaka ang Bagsakan para sa Lupa, Hustisya, at Kapayapaan.
June 7, 2023
Converge CEO is PH rep to World Entrepreneur Awards
Dennis Anthony Uy is our bet for the EY World Entrepreneur of the Year awards.