Tinalo ng Philippine Azkals — unofficial name ng ating pambansang koponan ng futbol — ang Sri Lanka Brave Reds kahapon sa kanilang ikalawang laban para sa unang round ng 2014 World Cup Asia playoffs.
Tinambakan nila ang katunggali sa score na 4-0. Dahil sa unang laban na ginanap sa Sri Lanka ay 1-1 draw ang score, panalo ang Azkals sa aggregate score na 5-1. Sa unang pagkakataon, susulong ang Pilipinas sa Round 2 ng World Cup qualifiers.
Ang paborito kong si Chieffy Caligdong ang unang naka-goal. Naka-score din ang Fil-Spanish player na si Angel Guirado at nakadalawa naman ang Fil-British heartthrob na si Phil Younghusband, na ayon sa mga balita ay kasintahan na ni Angel Locsin.
Pati si Pangulong Noynoy Aquino, bumati rin sa Azkals. Para sa iba pang detalye, basahin ang report ni Sid Ventura sa Yahoo! Philippines.
Samantala, narinig ko ang kantang “Go Azkals Go” kahapon habang pinapanood namin ni Myla ang laban. Na-LSS ako nang konti kaya hinanap ko sa YouTube, at nakita kong may dalawang version ito.
Ito ang unang version:
Eto naman ang ikalawa:
Congrats ulit sa Azkals, sa kanilang cheering squad — ang Kaholeros — at sa sambayanang Pilipino. Sana mas makasulong pa tayo patungo sa ating World Cup Dream. We believe!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 27, 2023
New coalition formed to fight heart disease across Asia
The Asia-Pacific Cardiovascular Disease Alliance will tackle heart disease in…
June 21, 2023
Bawal na ang trans fat!
Sinimulan nang ipatupad noong June 19, 2023 ang ban on trans fatty acids sa…
June 8, 2023
UNICEF, Angeles City unveil mural on safe roads for children
The mural advocating children's safety on the road is in Gueco Balibago…
[…] kay Mr. Juan Miguel Salvador, ang lead singer ng bandang The Authority. Siya ang nag-compose ng “Go, Azkals, Go!” at siya rin ang nagbigay sa atin ng pahintulot na gamitin at ikalat ang mga […]