Matapos itanggi ni Press Secretary Serge Remonde kagabi na nagdeklara ang pangulo ng batas militar sa Maguindanao, pormal namang itong ipinahayag kanina ni Executive Secretary Eduardo Ermita.
Proclamation 1959 ni Gloria Macapagal-Arroyo ang naglagay sa lalawigan ng Maguindanao — liban sa ilang teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front doon — sa ilalim ng martial law.
Ayon sa Saligang Batas, maaaring isailalim ng pangulo ang buong bansa o alinmang bahagi nito sa panahon ng pananakop o rebelyon.
So far, wala pa naman tayong nababalitaang rebelyon o pananakop sa Maguindanao. Ang pinakamalapit sa rebelyon ay ang pagsalungat isang angkang kakosa ni Gloria sa pag-aresto sa kanila matapos sampahan ng kaso dahil sa Ampatuan Massacre.
Ginamit sa proklamasyon ang depinisyon ng rebelyon sa batas. Bale dahil daw pinagkakaitan ng mga armadong grupo sa Maguindanao ang Executive ng kapangyarihang ipatupad ang batas, nagaganap ang krimen ng rebelyon, at syempre, pwede ring mag-martial law.
May pasaway na armed group ang isang angkang malapit sa pangulo, pero di na niya masaway ang mga ito, tapos kinampihan pa ng korte. Ang sagot ni Ate Glo, batas militar. Parang medyo OA lang. Akala ko strong republic, yun pala hindi.
Marami ang nagsasabing tinetesting lang ni Gloria ang sitwasyon. Posible raw may iba pa siyang balak na mas malaki kaysa rito. Baka ang naiisip niya ngayon ay “Ganito kami sa Maguindanao. Ganito sana sa buong bansa.” Espekulasyon, oo. Pero di ba ang pagtakbo niya dati sa Kongreso sa 2010 ay naunang itinuring na biro lang?
Magbantay po tayo.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 10, 2025
MICHELIN Guide debuts in PH
MICHELIN Guide 2026 reveals 1 Two Stars, 8 One Star, and 25 Bib Gourmands.


