Gloria Macapagal Arroyo

Hindi pa napapagal si Gloria Macapagal-Arroyo. Tatakbo pa siyang congresswoman sa ikalawang distrito ng Pampanga.

Inasahan na nating lahat iyan. Hindi siya bibitiw sa poder. Kailangan niya ng immunity dahil sa patung-patong na kasong maaaring isampa sa kanya dahil sa pangga-Garci at iba pa niyang ginawa sa atin habang siya’y nakapuwesto.

Malamang, gusto niyang maging prime minister! Di nga ba’t may inihahanda nang constitutional convention ang mga malalakas sa kanya at mga kakampi niya sa Kongreso?

Napansin ko lang, Rizal Day 2002 nang sinabi noon ni Gloria na di na siya tatakbong pangulo sa 2004. Siyempre, kunyari lang yun. Tumakbo siya’t nang-Garci pa nga, di ba? Ngayon, Bonifacio Day naman nang i-announce niyang tatakbo siya sa Kongreso sa 2010. Sabi pa niya, hindi pa raw siya handang iwan ang paglilingkod sa bayan. Mukhang mahilig siyang dumura sa alaala ng ating mga bayani.

Walang kapaguran at tila di matugunan ang pagkauhaw ng ilan sa kapangyarihan. Sabagay, kung ikaw ay sadyang makapal, bakit ka nga naman mapapagal?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center