Di bababa sa 57 na buhay ang kinitil sa massacre sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong Lunes.
Kabilang sa mga pinatay ay may 30 mamamahayag. Itinuturing itong pinakamatinding atake sa mga mamamahayag sa makabagong panahon. Inilagay rin nito ang Pilipinas sa itaas ng listahan bilang pinakamapanganib na bansa sa mundo para sa mga nagttrabaho sa media.
Balak hamunin ni Esmael Mangudadatu, vice-mayor ng Buluan, Maguindanao, ang hawak ng angkan ng Ampatuan — na kaalyado ni Gloria Macapagal-Arroyo — sa lalawigan Maguindanao. Tatakbo siyang gobernador, at inaasahang makakalaban niya si Andal Ampatuan, Jr., mayor ng bayan ng Datu Unsay. Nasa ikatlong termino na kasi si Gobernador Andal Ampatuan, Sr. Ayon kay Mangudadatu, nakatanggap siya ng bantang may masamang mangyayari kapag itinuloy niya ang kanyang balak.
Kaya naman sa halip na siya mismo ang mag-file ng certificate of candidacy, ang pinapunta ni Mangudadatu sa Comelec ay ang kanyang asawa, mga kapatid na babae, at mga abogadong babae. Sa ilalim daw kasi ng kanilang relihiyong Islam hindi isinasali sa tunggalian ng mga lalaki ang mga babae. Ngunit hinarang, dinukot, pinagpapatay, at ibinaon ng mga armadong lalaki ang convoy ng mga Mangudadatu at kanilang mga kasama. Nasa custody na ng National Bureau of Investigation ang pangunahing suspek na si Andal Ampatuan Jr at sinampahan na siya ng kasong multiple murder.
Nagugulat at nagagalit ako sa kayang gawin ng tao para sa kapangyarihan.
Image courtesy of Mike Gonzalez/Wikimedia

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
mga panget kayu ampatuan dapat sa inyo dukutin ang mata ng buhay mga panget
Paano naman uunlad ang pilipinas kung ang gusto lang ng karamihan sa mga politiko ay kapangyarihan at sariling yaman. Hindi man lang nila kaawaan ang mga pobreng tao at mga kabataan para makamit din nila ang pag-asa at kaligayahan sa buhay. Sana sa darating na election ay magkaroon ng tunay na leader ang pilipinas para sa kaunlaran ng lahat ng tao at kapayapaan sa buong pilipinas.
Yan ang mahirap sa mga ibang politiko. Bakit hindi na lang sila masiyahan sa yaman at kapangyarihan na dinanas nila sa kanilang termino. Bigyan naman sana nila ng tsansa ang ibang tao para makapagpatunay na paglingkuran and kanilang kababayan. Kasi takot sila na mawalan ng kapangyarihan dahil hindi nila kayang mabuhay na maging normal na mamamayan. Gusto nila ay palagi silang sinasamba. Ano sila diyos? Sila ang may desisyon kung kailan ang isang tao mamatay?
[…] Ampatuan massacre […]
Sumakanila nawa ang liwanag. 🙂
tama nabubuhay sila sa dilim