Maligayang Pasko po! Wala akong ibang regalo sa mga naligaw sa pahinang ito ngayong Pasko kundi ang maikling update na ito.
Kumusta ang Kapaskuhan n’yo? Ikukuwento ko ang bisperas ng Pasko ko upang sa mga susunod na taon ay mas maalala ko ito.
Nagyaya ang team ko sa GMA News na mag-lunch kanina. Sa Nomnomnom sila pumunta at sumunod lang ako. Nakakatawa lang kasi nakalipat na pala ang restaurant na iyon pero sa lumang lokasyon nila ako pumunta. Nakahabol din ako at pagkatapos ng late lunch at kwentuhan ay bumalik na kami sa opisina sakay ng bagong kotse ng isa sa mga kasamahan namin.
Opo, may pasok po kami kahit holiday. Alam n’yo namang ganyan sa larangan ng pagbabalita. Pagsapit ng gabi, sa pagtatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, nakisali ako sa mga kumakaway para makita sa telebisyon. Tradisyon na ito na tuwing Pasko at Bagong Taon: Ang mga grupo ng mga nasa likod ng kamera ay nabibigyan ng ilang segundong airtime para kumaway sa TV.
Pagkatapos ng trabaho, umuwi na kami ni M para mag-Noche Buena. Bukod sa pagkaing galing sa pamilya’t mga kaibigan, may hamon din kami. Galing ito sa staff ng “Ang Pinaka.” Habang tumutugtog ang mga awiting pamasko — at dinig din ang malakas na pagkakaraoke ng mga kapitbahay–pinagsaluhan namin ang aming Noche Buena.
Maya-maya pa’y sunod-sunod na ang pagdating mga mga mensahe ng pagbati ng Maligayang Pasko sa pamamagitan ng text at social media. Tumawag na rin kami sa aming pamilya para bumati sa kanila.
Tatapusin ko na muna ang entry na ito para makasagot sa mga pumapasok pang greetings. Merry Christmas ulit, at salamat sa pagdaan!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 21, 2022
Publishers bullish on APAC market, concerned about misinformation — SOPA report
"The News Sustainability: Investing in the Future of Asia-Pacific's…
June 24, 2022
Reporting the truth is not terrorism
NTC's order for ISPs to block the websites of independent media outfits sets a…
March 25, 2022
PressOne.PH to Launch ‘Truth Hour’
PressOne.PH, an independent news organization, will launch “Truth Hour” to…