TAAL, BATANGAS — Sa gitna ng malakas na ulan, sa isa sa mga makasaysayang lumang bahay sa lugar na ito nagbukas ang produksyon ng Katipunan, ang kauna-unahang historical miniseries ng GMA News and Public Affairs.
Unang kinunan ang mga eksena ng ligawan sa pagitan nina Andres Bonifacio (Sid Lucero) at Gregoria de Jesus (Glaiza de Castro), ang Lakambini ng Katipunan.
Ang walong-bahaging kuwento ay magdedetalye ng buhay at pag-ibig ni Bonifacio, ang kanyang mga pagsubok na sinuong sa personal na buhay at sa paglaban sa mga Kastila, at pagkamatay sa kamay ng mga taong hanggang sa huli ay tinawag niyang “Kapatid.”
Sa bahay nina Eulalio at Gliceria de Villavicencio kinunan ang mga eksena ng panliligaw ni Bonifacio kay de Jesus. Ang mga Villavicencio, isang mayamang angkan, ay sumuporta sa Katipunan. Katunayan, ang barkong SS Bulusan ay kanilang ambag sa Katipunan. Bukod dito, nagbigay rin ng malaking donasyon ang mga Villavicencio para sa propaganda movement noon.
Bukod kina Lucero at de Castro, ang Katipunan ay kinatatampukan nina Benjamin Alves, Dominic Roco, Mercedes Cabral, Nico Antonio, Soliman Cruz, at Roi Vinzon.
Sa panulat ni Ian Victoriano, ang Katipunan ay idinidirehe ni King Marc Baco. Ito ay kinukunan gamit ang Sony F3 at F5 cameras ng Solid Video at mga lente at iba pang gamit mula sa CMB Film Services Inc.
Ang Katipunan ay ipalalabas tuwing Sabado simula ika-19 ng Oktubre, 10 p.m. sa GMA 7.
(Larawan at teksto mula sa GMA News & Public Affairs)
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
May 12, 2024
Heartfelt movies and series for mom on Lionsgate Play
Celebrate moms with laughter, tears, and heartwarming stories.