Habang binabalikan ko kanina ang mga lumang entry at comments sa blog ko, nadako ako sa The Midnight Run. Ang pinakahuling entry ay tungkol sa pagkabagot at pangungulila sa mga kaibigan:

Ayokong magbasa. Ayokong manood ng TV. Ayokong kalikutin ang computer ko. Gusto ko tumambay nang may kasamang kaibigan. Kahit sinong kaibigan.

Dagdag pa ng blogger na nasa ibayong dagat:

Bigla akong naawa sa aking sarili. Bigla kong hinangad na makasama ang tropa ko sa Pinas. Bigla kong nadama na sabik na sabik na pala akong makita sila muli.

May mga pagkakataon talagang gusto nating makasama ang mga kaibigan natin. Noon ngang isang Sabado, nag-schedule ako ng tanghalian sa Chocolate Kiss sa UP kasama ang kasintahan ko at mga kaibigan.

Kaso, ang isa ay agad nang nagpasabing ‘di siya puwede dahil may lakad sila ng mga pinsan niya.

Ang isa naman ay nagsabing titingnan niya, at nagparamdam na lang muli makalipas ang isang linggo, nang di sinasadyang mapadalhan ko ng text tungkol sa tae ng pusa nang mahigit 10 beses.

Hindi naman kinaya ng isa na magising para sa tanghalian dahil naka-duty siya sa call center hanggang ika-3 ng madaling araw.

At ang isa pa, nag-text lamang noong malapit na ang takdang oras, at kung kailan nakapagpasya na akong kami na lamang ni Mhay ang kakain sa Chocolate Kiss.

Halos walong taon pagkatapos ng kolehiyo, napakahirap nang magkahanap ng common time para sa amin. Kasabay ng pagtanda, nagkakaroon tayo ng kanya-kanya at magkakahiwalay ng buhay.

Ang totoo niyan, niloloko lang tayo ng patalastas ng magkakabarkadang kumakain sa Chow King!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center