STA. CRUZ, MARINDUQUE–Masayang ipinahayag kamakailan ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), ang official ‘delisting’ o pagkakatanggal ng Department of Environment and Natural Resources sa San Antonio Copper Project ng Marcopper sa listahan ng 24 na “mining priority projects” ng administrasyong Arroyo.
Ang opisyal na announcement ay nakapaloob sa isang sulat ni Director Horacio C. Ramos ng Mines and Geosciences Bureau noong Disyembre kay Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D., obispo ng Diocese of Boac ng Simbahang Katoliko.
Ang sulat ay sagot ng administrasyong Arroyo sa “Marinduque Declaration†na pinasimulan ng MACEC at nilagdaan ng may 10,765 Marinduqueño kabilang ang mga pinuno ng simbahan at lokal na pamahalaan. Ang dokumento ay pormal na humiling sa gobyernong Arroyo na tanggalin ang San Antonio Copper Project sa listahan ng mining priority areas nito.
Noong Marso 1996, million cubic meters ng contaminated mine tailings mula sa Tapian Pit ng Marcopper ang pumatay sa Boac River. Bago iyon, ilang dekadang nagtapon ng tailings ang Marcopper sa Calancan Bay sa Barangay Ipil sa bayan ng Santa Cruz.
Oktubre 2005 naman nang pagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang isang resolusyong nagdeklara ng 50 taong large-scale mining moratorium sa lalawigan.
Nang sumunod na taon, inilunsad ang Marinduque Declaration. Noong Marso 2006 naman, may 13,000 Marinduqueño na nakasuot ng itim ang nagtipon sa Boac—ang capital ng Marinduque–upang gunitain ang ika-10 anibersaryong ng Boac River Disaster.
Itinuturing ng MACEC na isang malaking tagumpay ang ang pagkakatanggal ng Marinduque sa listahan ng pamahalaan ng priority mining projects.
“This is a product of the people’s strong solidarity and unity in their struggle for environmental and economic justice. But this is also a challenge to every Marinduqueño and their public officials to come together and design or come up with clear and feasible sustainable development blueprint for the province that is not dependent on mining,†wika ni Myke Magalang, executive secretary ng MACEC.
(Ang entry na ito ay bahagi ng isang kolum ko sa Pinoy Gazette na lalabas pa lamang).
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
June 9, 2023
Fair-gig at food pop-up para sa Martsa ng Magbubukid
Suporta sa mga magsasaka ang Bagsakan para sa Lupa, Hustisya, at Kapayapaan.
March 2, 2023
PETA Celebrates Pamela Anderson’s Animal Activism
“From the Philippines to her home country of Canada, Pamela Anderson has made…
ito ay isang napakagandang balita para sa ating mga Marindukenyo!
sana mag sulat pa kau ng marami……..
ang ganda naman ng kwento!!!!!!!!!!!!!!!!!!1