Kinidnap ang nawawalang ABS-CBN newscaster na si Ces Drilon at ang kanyang mga kasama, ayon sa opisyal na pahayag ng network: “ABS-CBN News journalists Ces Drilon, Jimmy Encarnacion, and Angelo Valderama have been kidnapped for ransom.”
Ginagawa na raw ng ABS-CBN News ang lahat upang matulungan ang mga pamilya ng mga mamamahayag na nakidnap. Pero, susundin daw ng ABS-CBN News ang policy nito na hindi pagbabayad ng ransom upang di na lalong lumakas ang loob ng mga kidnapper na mangidnap ng iba pang mga mamamahayag.
Nakidnap din daw kasama rin daw nina Drilon ang university professor na si Octavio Dinampo.
Abu Sayyaf ang pinaghihinalaan ng pulisya na kumidnap kina Drilon. Ayon sa report ng GMANews.tv, hinarang at kinuha sina Drilon sa Barangay Kulasi, Maimbung, Sulu, noong Hunyo 8 habang papunta sa isang lihim na panayam kay Radulan Sahiron, isang lider ng Abu Sayyaf na nagbabalak na raw sumuko.
Noong Setyembre 28, 2002, nawala rin sa Sulu ang mga Kapusong sina Carlo Lorenzo at Gilbert Ordiales.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
salamat sa comment mo sa post ko ed. Sana dalaw ka ulit. I added you sa blogroll na pala para madalaw kita parati. Nice kc mga post mo. >.<
wow. page rank 3 na site mo? galing mo kuya. Anyways, nagabalik na cla?! My random ba na hiningi?! Nakakatakot namn ung hawak ng mga taong kayang kumitil ng buhay ang buhay mo. Hope mapakawaln cla ASAP.
Sana nga makabalik na sila agad.
Napanood ko nga yung news kagabi about Ces Drilon and her team missing nang nagpunta sila sa Sulu. Nakakatakot naman dahil syempre kung ikaw ang nasa kalagayan nila, basta makalaya ka lang ay gagawin mo ang lahat, kaso hindi magbabayad ng ransom ang ABS-CBN. Sana naman mapakawalan sila. Kawawa naman.