Sobrang late na naman akong gumising ngayong araw na ito. Siyempre, gutom ako paggising ko. Ngayon, apat na oras matapos ang brunch na kinain sa oras ng meryenda, gutom na naman ako. Siyempre rereklamo na naman ako na mahirap kasi ang ganitong nag-iisa sa bahay na malayo sa kabihasnan. Pero makulit talaga ang pagkalam ng tiyan ko. Maya-maya, pagbibigyan ko na ito.
Biyernes trese nga pala ngayon. Seryoso, paborito kong araw ang ganito. Masuwerte kasi sa akin saka paborito ko ang bilang na 13. Pero ewan ko ba, wala pa namang magandang nangyayari sa akin ngayon. Pero kung ituturing mong maganda ang maagang pagdating ng bill ng telepono at kuryenteng may PPA, masuwerte nga ang araw na ito.
Nasa Peyups.com na ang “reaction paper/review” ko ng pelikulang Gamitan: Astig: Pagdadamit sa Gamitan. Sana malaman ko kung sang-ayon ka o hindi sa obserbasyon ko sa kontrobersyal na pelikulang ito.
Siyanga pala, tampalasan talaga ang dialup connection!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…