Leonard, Ederic, Alex, Anna, and JR sa Clarke Quay
Leonard, Ederic, Alex, Anna, and JR sa Clarke Quay
Biyernes noon, isang araw bago mag-a-trese. Pagkagaling sa opisina, kumain muna ako, umuwi sa hotel, at pagkatapos ay sumakay na sa MRT papuntang Clarke Quay.

Ito na ang araw na pinakaaabangan ng isang segment ng Pinoy blogosphere sa Singapore (at least lima katao ang part ng segment na yun, hehe) — ang Blogger Friday Riot Night.

Naunang dumating sa kitaan sina JR at Anna. Pagdating ko, naghihintay na sila sa amin. Sabi ko, dahil late kami,mag-date muna sila, hehe. Naglakad-lakad muna kami para maghanap ng makakainan.

Maya-maya, nag-grand entrance na sina Leonard at Alex. Sinalubong sila ng banda (na may tatlo katao na walang dalang instrumento). Nagkasundo na rin sa kakainan. Hooters! Hooters! (Naalala ko tuloy ang paborito kong pelikulang Big Daddy ni Adam Sandler.)

Habang naghahapunan, siyempre’y kung saan-saan napupunta ang bloggers’ usapan: mula buhay sa Singapore (syempre) hanggang sa tuition sa eskwelahan. Kumustahan, kilalanan. Pati love story nina JR at Anna, inungkat namin. May konting inumin din, pero di naman kami nagpakalasing.

Pagkatapos nilang magbayad (sila lang, kasi inilibre nila ako; turista raw kasi, hehe), konting kodakan muna. Saka sa akin nila ibinigay yung souvenir na shot glass. Pagkatapos ay nauna na sina JR at Anna.

Kaming tatlo naman ay naglakad-lakad hanggang sa mapasok sa isang bar. Maraming tao, maingay. Pero masigla. Ahh, night life sa Singapura, masubukan nga! Siyempre, kapag may inumin at tugtugin, dapat sumasayaw. Tinuruan at kinumbinsi ako nina Leonard at Alex to dance like nobody’s watching (ika nga ni McBilly), kaso lang sadya akong mahiyain — at parehong kaliwa ang mga paa. Eh, silang dalawa, mukhang sanay na sanay na. Anyway, mayamaya, natuto na akong magwala. Bad boy ng dance floor ba? O kenkoy lang, parekoy? Tapos, nakunan ata ng vlogger na si Leonard ang pagwawala ko.

Kaya ngayon, may hawak nang Ederic scandal ang dalawang Singapore-based friends ko. Mas papatok pa yan kesa sa Edison Chen scandal, pero sana di nila ikalat, hehe.

Masaya lang. Kahit nasa ibang bansa ka pala, basta may mga kababayan, katrabaho’t kaibigang kasama, masaya ring gumimik. At sunud-sunod na gabi pa yung mga paglabas-labas ko. Most of the time kasi sa Singapore, tambay lang ako sa isang school pag gabi para makasagap ng libreng Internet. Tapos basa ng ebook sa gabi hanggang sa antukin ako.

Sa Pinas, di rin kasi ako mahilig sa night life. The closest thing sa ganyang gimik eh noong nag-disco-disco kami sa Limits (19-forgotten pa yun) ng college barkada ko, saka yung ilang paglabas-labas gaya nang minsang hinarang kami ng guard sa Padi’s nung kasama ko yung isang college friend ko.

Nang mag-uumaga na, lumabas na rin kami at pumasok sa McDonald’s para kumain ulit. First time kong makapasok ng McDonalds doon. (Wala kasing kanin kaya di ko pinupuntahan.) At naka-tatlong ulit na binanggit ng mga Singaporean crew ang presyo ($4.30) ng inorder kong burger at kape bago ko sila naintindihan.

Pagkakain, umuwi na kami.

Eto nga pala yung mga litrato galing sa kamera ni Leonard, at ini-upload ko sa Flickr:


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center