Bloggers’ Kapihan 2
October 13, 2007
Ramon Magsaysay High School-Cubao
Opening Remarks (Draft)
ni Ederic Eder, Tinig.com
Magandang hapon po sa inyong lahat.
Nagpapasalamat ang Bloggers’ Kapihan Crew sa inyong pagdalo ngayong hapon.
Binuo ng BK crew ang Bloggers’ Kapihan upang magkaroon tayong mga blogger ng regular na EB–sino ba’ng di mahilig mag-eye ball dito?–na may libreng meryenda at kape.
Pero di lang ‘yan–bukod sa EB, sa BK ay mapag-uusapan din ang mahahalagang isyung may kaugnayan sa buhay nating mga Interned addict, mga netizen, at mga blogger. Layon ng BK na talakayin ang mga usaping makakaapekto sa blogosphere at sa mas malawak na sektor ng mga kabataan.
Sa pinakaunang BK na ginanap noong isang buwan sa Philippine Science High School, ibinahagi ng mga tagapagsalita ang kanilang karanasan sa blogging–ang kasama namin sa BK Crew na si Bikoy Villanueva sa personal na pagba-blog, lalo na ng mga estudyante; ang Pinoy blogging guru na si Yuga Olandres sa technology at professional blogging; at ang cyberceleb na si Manolo Quezon naman naghatid sa atin ng mga pilyong kuwento tungkol sa blogging at politics.
Ang pagtitipong ito ngayong hapon ay isa na namang pagtatangka ng BK Crew na pagsama-samahin ang mga blogger para muling makapagbahaginan ng ideya tungkol sa isang napakahalagang usapin: ang edukasyon. Kaya naman nagpatulong kami sa ilan sa mga pinakakilala at pinakaaktibong blogger na nasa sektor ng edukasyon. Ibabahagi nila ang papel ng blogging sa pag-aaral at pagtuturo.
Masuwerte ang henerasyon ngayon–ang Internet at ang blogging ay napakalaki ng naitutulong sa pag-aaral. Ipaliliwanag ng mga tagapagsalita natin ngayon ang assertion kong ito.
At dahil nga asteeg na tool ang Internet para sa mga estudyante, maikuwento ko na rin na pati nga blog ko, sa maniwala kayo’t hindi, ay ginagawang library ng ilang estudyate–di lang library kundi fastfood. Kung makapanghingi ba naman ng talumpati, ay parang umu-order ng takeout sa Jollibee!
Samantala, dahil kilala sa pagsusulong ng kapakanan ng mga guro, nilapitan namin ang Alliance of Concerned Teachers upang tulungan kaming mairaos ang ikalawang Bloggers’ Kapihan. Salamat sa kanila’t pinaunlakan nila kami, at ngayong hapon ay tatalakayin din nila ang kontrobersiyal na CyberEducation Project ng Department of Education.
Nagpapasalamat din ang BK Crew kasama ang partners nitong Kabataan Party–ang partido ng kabataan–at ng Tinig.com–ang tinig ng bagong salinlahi sa Internet–sa pamunuan ng Ramon Magsaysay High School sa pagho-host sa ating ngayong hapon.
At siyempre, sa ating mga sponsors na nagbigay ng mahalagang tulong pinansyal sa gawaing ito: ang Digitalfilipino.com Club, Philippine Genre Stories, Pinoy Web Hosting Solutions, Phil-hosting.net, New Beginning, Ladygadfly, JaypeeOnline at The ANiTOKiD.
Sama-sama tayong mag-aral at matututo sa Bloggers’ Kapihan 2.0: BlogEd 101. Maraming salamat po!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 13, 2013
Talumpati sa pagtatapos
"At kapag nangangarap ako, inataasan ko na. Para kung bumagsak man ako, medyo…
It is known that cash can make people independent. But how to act when one has no money? The one way is to try to get the home loans or short term loan.
ahmm.. wla na po bang ibang examples..
[…] na Pananalita sa Bloggers’ Kapihan 2.0 ni Ederic Eder […]