Sa tradisyon ng sinaunang blogging, noong mas ginagamit itong personal journal (gaya ng ginagawa ni Jon), narito ang mga kuwento ko para sa nakalipas na linggo.

Matapos naming maligaw noong Martes, kinabukasan ay naganap ang malungkot na pangyayari sa kumpanya. Bakit ba laging may mga pamamaalam?

Kinabukasan, binusog ang sarili sa masarap na pagkain sa Pepper Lunch kasama ang isang katrabaho’t kaibigan. Hahanapin ko ang branch nito sa Maynila pag-uwi ko para makakain kami ni Mhay roon.

Kinagabihan, gumimik naman kami ni Kapusong Tops sa Clarke Quay. Konting inom at maraming kuwento’t balitaan tungkol sa mga buhay-buhay. Kinumusta ko ang mga tao’t programa sa kumpanyang dati kong pinagtatrabahuhan.

Pagdating ng Biyernes, nag-lunch naman kami ng mga kasamahan ko mula sa Vietnam sa isang Thai restaurant. Medyo may kamahalan nga lang, at natagalan kami sa paghihintay sa order namin. Pero siyempre, ang masaya pa rin ay ang kuwentuhan.

Nung gabi naman ang pinakaaabangang ikalawang Bloggers Kitaan (Singapore Edition) kasama sina Anna &  JR, Leonard, at Alex sa Clarke Quay ulit. May separate post ako tungkol dito. Lalagyan ko ng pictures para sa mga di nakapunta.

Hindu figure sa Asian Civilisations Museum
Hindu figure sa Asian Civilisations Museum

Pagsapit ng Sabado, naglagalag naman kami sa Singapura. Inilibot kaming mga baguhan ng isang kasamahan naming tagarito. Pinasyalan namin ang Asian Civilisations Museum. Maraming artifacts mula sa iba’t ibang rehiyon sa Asya. Pero parang wala akong masyadong nakitang galing sa atin.

Nagtanghalian kami sa Brewerkz (sa Clarke Quay na naman!) at sinubukan ko ang isang goblet ng Moh Gwai, ang pinakamatapang daw na beer sa kanilang menu. Buti na lang, di ako tinalaban. Hehe.

Teddy Bears sa Mint Museum of Toys
Teddy Bears sa Mint Museum of Toys

Sobrang naaliw naman ako sa Mint Museum of Toys dahil sa mga lumang laruan, mga sinaunang teddy bear, ilang Superman toys, at Beatles memorabilia. May Star Wars at Star Trek toys din. Pero  walang Shaider  — Ultraman lang ang meron. Grabe yung ibang mga laruan kasi mahigit USD 5000 na raw ang value! Sabagay, yung iba kasi, 90 years old na.

Ang bato sa Bukit Timah Summit
Ang bato sa Bukit Timah Summit

Nakapag-exercise kami sa pag-akyat sa tuktok  ng Bukit Timah Hill at sinalubong ng mga unggoy sa aming pagbaba. May gubat din pala sa Singapore.

Pagkatapos magpahinga sa hotel, naghapunan naman kami sa The Arch Restaurant. Masarap ang mga ihinaing lutuing Singaporean o Malay-Chinese, pero ewan ko kung bakit ako lang ang nag-extra rice.

Pagkakain, nagpahatid na sa hotel ang dalawa kong kasamahan, at kami nung isa pa ay nagtingin muna ng mga libro sa Borders. May ilan siyang nabili samantalang nakuntento na ako sa pagbuklat-buklat lang.

Kahapon, natulog ako hanggang tanghali. Lumabas lang ako para magtanghalian tapos balik ulit sa hotel. Nung gabi, pumunta sa Sim Lim para magtingin ng digicam at PSP. Hindi ko pa nga nagustuhan ang nangyari nang mag-inquire ako sa Camera Talk. Pero ibang kuwento na yan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center