Bakit ba nagsara ang ABS-CBN?

Nagsara ang ABS-CBN Channel 2, DZMM, at iba pang TV at radio stations ng ABS-CBN dahil pinatigil ang mga ito ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagsasahimpapawid.

Bakit pinatigil ng NTC ang ABS-CBN sa pagsasahimpapawid?

Matapos warningan ni Solicitor General Jose Calida ang NTC, pinatigil nito ang ilang ABS-CBN stations sa pagbobrodkast dahil napaso na ang prangkisa ng kompanya.

Bakit nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN?

Nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN dahil hindi inasikaso ng mababang kapulungan ng Kongreso (House of Representatives) ang mga panukalang batas para ma-renew ito.

Bakit hindi inasikaso ng House of Representatives ang mga panukalang batas para ma-renew ang franchise ng ABS-CBN?

Hindi inasikaso ng House of Representatives ang mga panukalang batas para ma-renew ang franchise ng ABS-CBN dahil ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ‘di raw ito urgent o kailangang madaliin. May personal na angal din daw si Cayetano laban sa panukalang prangkisa.

Ano ang personal na angal ni Cayetano laban sa panukalang prangkisa ng ABS-CBN?

Pakiramdam daw ni Cayetano, may mga pagkakataon sa kasaysayan, gaya noong Eleksiyon 2016, na nakialam ang mga pinuno ng ABS-CBN.

Ano kaya ang tinutukoy ni Cayetano na pakikialam ng mga pinuno ng ABS-CBN sa halalan?

Ayon kay Cayetano, mas marami ang mga report ng ABS-CBN tungkol sa disqualification case laban sa kanila ng asawa niyang si Lani. Noong 2016, tumakbo silang mag-asawa bilang kinatawan ng magkaibang distrito sa Taguig. May mga kandidato rin daw aniya na malapit sa ABS-CBN na nakatanggap ng undue advantage.

Pero sabi ni Cayetano, iba ang reklamo niya sa marahil ay pinakaalam ng lahat ng reklamo laban sa ABS-CBN kaugnay ng Eleksyon 2016 — ang reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ano ba ang reklamo ni Duterte laban sa ABS-CBN?

Noong Abril 27, 2017, sinabi ni Duterte na kakasuhan niya ng multiple syndicated estafa ang ABS-CBN dahil sa ‘di raw nito pagpapalabas ng kanyang political advertisement noong 2016 presidential elections. 

Bakit kasi hindi ipinalabas ng ABS-CBN ang ads ni Duterte?

Ayon kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ‘di naipalabas ang ilang ads ni Duterte dahil may mga nauna nang order at naubusan sila ng slot. May bahagi raw ng refund nila kay Duterte na na-delay at ‘di na ito tinanggap ng noo’y kandidato sa pagkapangulo.

Ano ang sinabi ni Duterte kaugnay ng kaniyang reklamo sa ABS-CBN?

Sabi ni Duterte nong Disyembre 3, 2019 sa ABS-CBN: “Ang iyong franchise mag-end next year. If you expect ma-renew ‘yan, I’m sorry. I will see to it that you’re out.”

Sabi naman niya noong Disyembre 30, “Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo. Mag-renew kayo, ewan ko lang kung may mangyari diyan. Kung ako sa inyo ipagbili niyo na ‘yan.”

‘Di ba Kongreso ang may kapangyarihang magbigay ng prangkisa? Paano kaya nagkatotoo ang sinabi ni Duterte na mawawala ang ABS-CBN?

Kongreso ang nagbibigay ng prangkisa, at kaalyado ni Pangulong Duterte ang maraming mga mambabatas. Hindi inasikaso ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN matapos ang sunod-sunod na pagpapahayag ng pangulo ng pagnanais na ‘di mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN,