“Where are those arsenals of weapons of mass destruction, if indeed they ever existed? Perhaps Saddam is still hiding in an underground bunker somewhere, sitting on cases of weapons of mass destruction, and is preparing to blow the whole thing up and destroy the lives of thousands of Iraqis.”
Ganyan ang may pakutyang sinabi ni Russian President Vladimir Putin sa isang press conference kasama si British Prime Minister Tony Blair.
Sabi noon nina US President Dubya Bush, Pangulong Gloria Arroyo, at iba pang paladigma, dapat daw bombahin ang Iraq dahil may itinatago itong “weapons of mass destruction.” Sabi natin, hindi; sa halip, dapat ituloy ang UN inspection. Pero tinakot nila tayo: pati mga Pinoy sa US na mas feeling Amerikano pa kaysa sa mga totoong Amerikano, tinututulan lang daw natin ang pananakop ng US dahil hindi natin naranasan ang 911. Kung hindi raw lulusubin ang Iraq, baka mangyari ito ulit dahil nga sa may weapons of mass destruction daw ang Iraq.
At sa kabila ng pagtutol ng buong mundo–at ng malaking bahagi ng mga Pilipino sa pangunguna mismo ni Pangalawang Pangulong Guingona–nambomba ang mga sundalo ni Bush (habang nagchi-cheer sina Gloria at iba pa). Nawasak ang Iraq at libu-libong sibilyan ang namatay.
Ngayon, ganito na ang linya ni Dubya:
“It’s going to take time to find them. But we know he had them. And whether he destroyed them, moved them or hid them, we’re going to find the truth.”
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
Anuman ang malamang na motibo nitong si Putin, halata rin naman nating kagaguhan ang pinagsasasabi ni Bush tungkol sa mga WMD ng Iraq. Gaya nga ng sabi ni Dr. Giovanni Tapang ng Agham, halos imposibleng itago ang mga ito.
Siguro’y sasabihin ni Bush sa susunod na natuklasan nilang kaya nawawala si Saddam at ang kanyang mga WMD ay sapagkat: “In desperation, he blew himself up with them.”
the hell with this russian leader! it’s all nothing but vsted personal interests, palibhasa kasi kumbaga sa aso eh, “nakapon” na ‘tong si putin. ‘ala na kasi ang super power label ng russia ngayon kaya hanggang diyan na lang siya, for all i know, just like that (explicits) french leader, DUWAG at KURIPOT siya!
curiously, yan din ang title ng entry ko ngayon. 🙂 Thanks for visiting my chant.
hay naku! wala namang bago.
ganyan na talaga si Dobby…
kutya ng kutya kay Bush samantalang
he has his own interest in Iraq…
AT the end of the day,when he’s push
to the wall, Dobby willgo to DUbya
at any cost….
Sorry, kinda cynical here!!!!
oo! saint na nga siya since yesterday! hahahaha!! paano mo nalaman? galing ah.. may ibang mga povedan na walang kaalam-alam! mwehehehe.