May ipinamigay na dokumento sa mga mamamahayag kahapon ang kontrobersyal na abogadong si Homobono Adaza. May letterhead ng tanggapan ng Presidential adviser on Peace Process, ang dalawang pahinang dokumento ay naglalatag ng policy umano ng gobyerno hinggil sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Iniuugnay ng dokumento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga bombahan at iba pang karahasan sa Mindanao. Nakasaad dito ang planong pag-atake sa Buliok Complex at panggigipit sa MILF hanggang sa ang mga puno ito’y sumuko, ang paghuli–patay man o buhay–kay Salamat Hashim, ang paninisi sa MILF sa mga “AFP-backed bombings” sa malawakang psywar operation sa media, at ang pinakahuli’y ang pagdedeklara sa MILF bilang foreign terrorist organization na magbibigay daan sa pananatili ng puwersang Amerikano sa Mindanao.

Pinabulaanan na kanina ni Sec. Eduardo Ermita na galing ang ganoong dokumento sa kanyang opisina. Ito raw ay peke at gawa-gawa lamang.

Madaling paniwalaan ang pagiging peke ng dokumento. Hindi naman ganoon katanga ang mga taga-gobyerno upang i-implicate ang kanilang sarili sa matitinding kaso gaya ng pambobomba.

Ngunit mas nakaliligalig ang tila pagiging totoo ng nakasaad sa umano’y pekeng dokumento. Nakita na natin ang atake sa Buliok na nagdulot ng evacuation ng maraming mga sibilyan. Nang magkaroon ng mga pambobomba sa Davao, kahit anong ako ng Abu Sayyaf ay sa MILF itinuturo ang krimen. Di ba’t pati nga isang inosenteng Muslim ay itinurong rebeldeng nambomba? At sa MILF din itinuturo ang kasalukuyang kaguluhan sa Siocon, Zamboanga del Norte.

At di nga ba’t kalulutang lang ng isyung pinag-iisipan ng palasyo na ideklara nang terorista ng MILF na tinututulan naman ng mga senador?

Pero ang isang rebolusyunaryong grupo nga ba ay maaaring ituring na terorista?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center