Naka-Ubuntu na ako. Kakainstall ko lang ngayon. Burado na ang dating operating system. Hehe.
Matagal-tagal ko na ring gustong tumalon mula sa Bintana. Dati pa akong naiinggit sa Windependence na nararanasan ni Jaemark at gusto ko ring makigaya sa mga asteeg na taga-Philippine Linux Users’ Group.
Noong nasa Kyodo News pa ako, isang araw ay sinadya ko ang isang tindahan ng mga CD sa Makati. Bumili ako ng Linux Mandrake installer–version 10 yata yun–na tatlong CDs sa halagang P500. Na-install ko naman, pero hindi ko na-enjoy dahil lumang PC pa ang gamit ko noon at kakapusin ako sa space kung dalawang OS ang gamit ko. Saka parang may issue sa system. Ang bottomline, di ko siya nagamit nang maayos, at tinanggal ko rin sa huli. (Nasa shelf ko pa yung CD kaya’t kung type ninyong pag-eksperimentuhan, text o e-mail ninyo lang ako.)
Nakakatakot kasi talaga sa una ang pagtalon mula sa Bintana. Siyempre iisipin mo na baka mabalian ka. Nakakatakot mawalan ng koneksyon sa mga mahal mo sa buhay. Mahirap din yung iba ang sasakyan sa pamamasyal sa Cyber villages.
Pero dahil curious talaga ako, at nag-iinarte nang nag-iinarte ang computer ko–nagha-hang ba naman maya’t maya kaya’t kagabi’y naka-sampung restart ata ako, sabi ko’y bahala na. Saka matagal-tagal na ring nangungulit si Tonyo. So sabi ko, bahala na!
Noong una’y mamamangka sana ako sa dalawang ilog–pagsasabayin ko ang Windows–na peke kaya’t di ako maka-install ng bagong Media Player–at itong Ubuntu. Takot kasi akong mawala ‘yung connection na ibinibigay ng router ko sa Mac ni Mhay saka nalimutan ko nang mag-format ng hard drive. Balak ko rin, yung latest na Ubuntu ang gagamitin ko. Siyempre, para cool. Pero ayon rin kina Tonyo, huwag muna iyong latest. Baka nga naman may bugs pa. Tapos, di pa agad ako nakapag-install kasi nawawala ang CD, at mali naman yung na-download ko na installer.
Nagsigurado na rin ako sa files ko. Lahat ng kailangan, ginawan ko ng backup sa DVD.
Yung unang pagtatangka ko kanina ay nabigo. Palagay ko, di ko natapos ang installation dahil apurado ako masyado. Inulit ko na lang, at nagulat ako kasi mabils at madali lang. Yung pinoproblema kong pagre-reformat ng hard drive, mukhang ang Ubuntu na rin ang gumawa. Na-wipe out yung folders ko ng Windows, eh–pero okay lang, mabuti nga. At di rin naapektuhan ang router at modem ko.
Ganito ang hitsura ng unang desktop ko–napakalinis at mali pa ang date and time dahil di ko naayos, hehe:

May mga masasayang sorpresa itong Ubuntu.
Isa sa mga naging concern ko bago lumipat ang pagsi-sync at back-up ng Palm Treo ko. Inalala ko rin yung pagda-download ko ng mobile news sites sa Treo gamit ang AvantGo account ko. Akala ko, mahihirapan ako. But no! Mabilis kong nai-configure ang Palm OS Devices settings, at nakapag-sync ako nang walang hassle. Na-update rin ang AvantGo ko nang di ko na kailangang mag-download at install ng karagdagang software. Ang hinahanap ko na lang ngayon, kung nasaan sa Desktop PC ko yung mga contacts na nai-sync ko, hehe. Mamaya o bukas, madi-diskubre ko rin iyon.
At dahil may bagong episode ng Prison Break at Private Practice na, kako’y kailangan ko nang maglagay ng uTorrent. Nang tingnan ko ang Add/Remove Programs, may BitTorrent na pala ako. Pero di ko alam kung paano buksan. Ang ginawa ko, nag-download na lang akong ng torrent file, at nagulat ako ng buksan at simulan itong i-download ng BitTorrent. Parang intregrated na pala sa system. Asteeg!
So far, masaya at exciting ang Ubuntu experience ko–“cool and liberating experience,” ika nga ni Tonyo kanina sa comment sa entry na ito bago ko i-update.
At sabi ko nga kay Mhay kanina, ngayon, masasabi ko nang sumusuporta ako sa free and open software nang hindi ako nagpapaka-ipokrito.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairsโ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 25, 2023
Dragon Nest 2: Evolution now on HUAWEI AppGallery
Enjoy thrilling dragon hunt adventures.
[…] duper slow computer even slower. As for my home PC, it lost the Google Desktop application when I jumped out of Windows and switched to Ubuntu Linux. I forgot about it until last […]
[…] ng ikinuwento ko sa ederic@cyberspace, kakapalit ko lang ng operating system ko. Mula sa Windows XP ay lumipat ako sa Ubuntu, isang […]
Puro mga basic programs pa lang ang nagagamit ko, pero okay masaya naman. Para sa akin, medyo hawig sa Mac ang look and feel ng Ubuntu. Asteeg nga rin sana ang Mac kung may pera lang ako. Hehe. :p
Wow, inggit ako! Sana kaya ko na rin maging completely free of windows, pero for now ang target ko eh papunta mac os x. ๐
@Arielle: Nakakaadik pala hehe.
@Schumey: Wala pong anuman.
Thanks sa info.
Oo! Penitensya. May mga application kasi dun na tipong 700+ terms ang kailangang isalin sa Tagalog. Puwede naman huwag kompletuhin pero pag nasimulan mo na, nakaka-enganyo. Kaya din iwas ako dun nitong mga nahuling buwan, kasi pag nagsimula na ako dun, wala na akong trabahong natatapos. Hahahahaa!
Naku, “penitensya” pala. Afraid. :p
Oo, punta ka lang dun. Masaya din– ang tawag ko nga doon ay “penitensya”. Hahaha! Dahil sa walang ma-contribute sa programming, sa pagsasalin na lang.
Ahh, sa Launchpad lang pala yun. Sasali na nga rin ako. Baka puwedeng makisawsaw rin sa pagsasalin. ๐
Ubuntu Team Philippines sa Launchpad. Hehehe, ang contribution ko naman dun puro translation lang, walang Bug Fixes. ๐
Haha. Ayan, natakot tuloy. Nakita ko kasi sa site mo na member ka ng Team Pilipinas ng Ubuntu. Sa ngayon, sa Ubuntu Forums pa lang nako nakiki-epal. Sige, try ko yang sa IRC. ๐
Naku! Hindi ako ang pinakamabuting puntahan kung may problema, hahaha. Nagtatanong-tanong lang ako sa IRC. Punta ka sa #ubuntu-ph at #support-ph na na sa irc.ubuntu.com. Yung mga karaniwang nagpo-post sa forum ay nandoon din. Mas madami silang maibibigay na tulong. ๐
Salamat sa pagbisita at sa tips, Arielle. Mabuti’t dumaan ka rito, may kukulitin na ako sa mga problemang Ubuntu, kung magkakaroon man, hehehe. :p
Maligayang pagdating sa lumalaking mundo ng Ubuntu. Napadpad ako dito mula sa forums. Mabuti naman at hindi ka binigyan ng sakit ng ulo ng iyong pagtalon mula sa bintana, hehehehe! Masuwerte ka kasi nung ako ang tumalon, napilitan lang kaya hindi ito naging madali.
Siya nga pala, may pause/resume ang bittorrent. Kung gusto mo, i-save mo muna ang .torrent file sa isang folder. Para buksan ito, double-click lang para ma-load sa bittorrent. Kusa nang titignan ng bittorrent kung may file ka nang isine-save mula sa .torrent file at itutuloy na lang nito ang pagda-download (at pagsi-seed).
Sa akin naman, dahilan sa luma na din ang sistema ko, sa terminal ko ito ginagawa. Ang command niya ay “bitdownloadcurses pangalanNgFile.torrent”. Bagaman hindi ako nakakasiguro, mas matipid yata ang paraang ito sa paggamit ng memory dahil hindi na gumagamit ng GUI,
๐
Arielle
Mundi, salamat.
hayaan mo, at mabibigo ka rin :p
mapapagod ka rin sa kakakalitkut , at sasabihin mo sa sarili mo, bakit ako nagsasayang nang oras? :p
J/K :))
congrats…
ps: just don’t believe the hype and you’ll survive. ๐
Astig, mabuti naman at naka-Ubuntu ka na. hehehe
Pwede naman po yung mga MS Docs. Bale ii-import ito ng program. ๐
Yan nga ang gagamitin ko sa bagong PC na binubuo ko. Ok ba yung Open Office? Ang problema ko na lang ay kung yung files ko sa MS Office ay tatakbo sa Open Office. Kapag hindi, patay ako. Balik MS ako for sure.
@Tonyo: Maraming salamat ulit. ๐
@nightfox: Oo. Nagulat nga ako. Di ba sa windows, kailangan pang mag-install ng AvantGo program. I enabled MAL in the gnome-pilot conduit settings. Tapos, naka-uncheck yung sync only once a day.
@Shari: Tama ka. Mas mabilis din ang pagbuhay at pagpatay ng computer. Asteeg talaga! :p
You don’t wanna use the default BitTorrent client in Ubuntu. Wala siyang ibang features. You can’t even pause/resume your download, basta mawawala na lang. Well, if there’s a way, I don’t know it. I use Deluge. ๐
Congratulations sa crossover! Haha! Madalas ngayon minomodify ko yung install ko, just for the heck of it. Nakakatuwa talaga. What’s really best is that my computer seems to be faster now (kawawa talaga itong computer ko, sobrang tanda na). Di na nag-aala-pagong, di tulad nung WinXP ako. ๐ Mabuhay tayo! LOL!
hmm, Avantgo was able to connect without hassle?
[…] Ederic Eder is the latest Ubuntu convert in the […]
Congratulations Ederic!
Sana mag-enjoy ka sa Ubuntu. Its a cool and liberating experience.