Kahapon, nabalitaan ko sa Balitanghali na alam na si dating Senador Rene Saguisag na pumanaw ang kanyang asawang si Dulce nang maaksidente sila noong umaga ng Nobyembre 8. Ayon sa kanyang anak, hindi raw umiyak ang abogado ni Erap, pero tumaas ang presyon ng kanyang dugo.

Nang umagang iyon, nagulat ako sa twit ni Sir Danny Arao: “On my way to Tagaytay. Listening to the news about Rene Saguisag’s vehicular accident. His wife is unfortunately dead.” Kaagad akong nagbukas ng computer at TV, at nalaman ko ang iba pang mga detalye.

Sobrang nalungkot ako. Hindi dahil sa kaibigan o fan ako ng mga Saguisag, kundi ilang araw lang ang nakakalipas napanood ko pa ang dating senador at abogado ni Erap sa telebisyon, at inulan niya ng papuri ang kanyang asawa habang nasa isang talk show siya.

Inisa-isa niya ang qualifications ni Mrs. Saguisag para ipaliwanag kung bakit naging DSWD secretary ang kanyang asawa pagkatapos magbitiw ni Gloria sa cabinet ni Erap. Hindi ako sigurado sa eksaktong mga kataga, pero parang “the most intelligent and most beautiful woman I’ve ever met” ang description niya kay Mrs. Saguisag. Ang sweet naman kako ng mga ito. Tapos biglang ganoon na lang.
Ayon kay Atty. Rebo, anak ni Saguisag, lagi raw sinasalo ni Dulce ang kanyang asawa. Si Dulce raw ang sandigan ni Saguisag, ayon kay Senador Joker Arroyo, “Rene will be lost without Dulce. That’s their relationship.”

Ngunit sinabi ni Rebo na kilala nilang matatag ang kalooban ng kanilang ama at kaya niyang lampasan ang nangyari sa kanilang pamilya.

Halos naiyak din ako nang ipakita sa TV ang video ng batang abogado at ang kanyang kapatid sa ospital. Sino ang hindi mababaliw sa balitang pumanaw na ang inyong ina at krikal ang kalagayan ng inyong ama?

Nang malaman ko ang pagkamatay ni Mama, sa parang binawian ako ng katinuan at tinakasan ng lakas. Parang hindi totoo. Ganoon din siguro ang naramdaman nila.

Pero sa kabila ng mga trahedyang ganito, sa paglipas ng panahon ay mapapawi ang pagdadalamhati at ang magagandang alaala’y mananatiling inspirasyon upang magpatuloy sa buhay.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center