(Updated Nov 14 11:01pm) Apat ang patay, kabilang ang isang mambabatas, at ‘di bababa sa 13 ang sugatan sa isang pagsabog na naganap ngayong gabi sa loob ng House of Representatives, ayon sa mga balita.

Sa ulat ng GMANews.tv, namatay sa ospital si Julasiri Hayudini, staff ng pumanaw ring si Basilan Rep. Wahab Akbar. Kapwa sila malubhang masugatan sa pagsabog.

Ang unang biktimang binawian ng buhay ay si Marcial Taldo, drayber ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan na nasaktan din sa pagsabog. Namatay din si Maan Bustalino, staff ng sugatan ding si Negros Oriental Rep. Pryde Henry Teves.

Isang atake sa House of Representatives at terrorist act ang naganap, ayon kay House Speaker Jose De Venecia. Iniutos naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine National Police na imbestigahan ang pagsabog.

Ayon pa sa mga ulat, naka-full alert na ang PNP at maglagay sila ng mga checkpoint sa Kamaynilaan. Iimbestigahan din ang nasunog na motorsiklo sa lugar ng insidente na posible raw ginamit sa pagpasok ng mga pampasabog.

Narito ang Flash Report ng GMA-7:


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center