J-Pilot

Gaya ng ikinuwento ko sa ederic@cyberspace, kakapalit ko lang ng operating system ko. Mula sa Windows XP ay lumipat ako sa Ubuntu, isang Linux-based operating system. Di tulad ng mga OS ng Microsoft, libre ito. Nalaman ko ring sa una lang ito mukhang mahirap gamitin.

Sa pagpapalit ko ng OS, ang compatibility nito sa Treo ko ang isa sa mga concerns ko. Ayon naman sa mga nabasa ko, ayos lang ang Palm at Ubuntu. Totoo naman. Eto nga ang isinulat ko sa kabilang blog:

Inalala ko rin yung pagda-download ko ng mobile news sites sa Treo gamit ang AvantGo account ko. Akala ko, mahihirapan ako. But no! Mabilis kong nai-configure ang Palm OS Devices settings, at nakapag-sync ako nang walang hassle. Na-update rin ang AvantGo ko nang di ko na kailangang mag-download at install ng karagdagang software. Ang hinahanap ko na lang ngayon, kung nasaan sa Desktop PC ko yung mga contacts na nai-sync ko, hehe. Mamaya o bukas, madi-diskubre ko rin iyon.

Nalaman ko na ang sagot sa tanong ko. Sa Evolution Mail client pala nasi-sync ang mga datos galing sa Palm ko. Nakita ko ito matapos kong i-set up ang Gmail account ko sa Evolution. Sa kabila nito, siyempre, hinahanap-hanap ko ang Palm Desktop, na sa Windows at Mac lang available.

Dahil dito, sinubukan ko ang KPilot. Hindi ko ito napagana. In the process, nagkaproblema pa pati ang AvantGo download ko. Dahil dito, naisip kong kadalasa’y dapat tayong ma-kontento sa kung anumang meron tayo, at huwag nang maghanap nang mas higit pa sa kaya natin. Applicableito sa buhay, pero lalo na sa mga gadget at computer. Kung hindi, either made-depress o magagastusan lang tayo.

Pero makulit pa rin talaga ako, lalo na kung may pagkakataon. Kahapon, naisip kong i-reinstall na naman ang OS dahil sa hang pa rin nang hang ang PC at na-corrupt ata ang files dahil sa forced na pagrere-start. Ang bago at malinis na installation ay muling nagbigay sa akin ng idea na subukan ang isa pang mala-Palm Desktop linux application : ang J-Pilot.

Noong una, bigo pa rin ako. Sinunod ko ang mga instruction dito, dito, at dito, at nag-experiment ako sa settings. Dinownload at in-install ko na rin yung plugins. Sa kakakalikot, finally ay gumana na ang J-Pilot, pati ang AvantGo.

Sabi ko nga sa Palm Forums, ito ang unang “successful and complete” hotsync ko sa Ubuntu.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center