May ia-announce raw ang Google ngayong araw na ito (araw pa sa US pero gabi na sa Pinas). Sari-sari ang tawag sa bagong produkto o serbisyong ito: Google Phone, Gphone, Android, at iba pa.
Noong una, inakala ng maraming tech analysts and writers na parang iPhone ng Apple itong secret project ng Google. Yun bang special phone na parehong branded ng Google ang hardware at software. Pero base sa mga nabasa ko, baka isa itong bagong Linux-based operating system para sa mobile phones. Kung totoo ito, mukhang masasakop ng Google ang balwarte ng Palm. Paano kaya ito?
Siyempre, loyal ako sa Palm. Pero superfan din ako ng Google. Gusto ko nga sanang maging compatible sa Google products ang binubuo pa rin lamang na bagong OS ng Palm. Parehong sa susunod na taon pa raw lalabas ang mga produktong ito ng Google at Palm. Nag-uunahan kaya sila? O baka naman magkasama sila sa proyektong ito.
Pero ang nakakalungkot, ngayon pa lang ay itinuturing ng iba na talo ang Palm sakaling matuloy — at siguradong matutuloy — ang proyektong ito ng Google. Malungkot ito. Ngayon pa namang umaariba sana ang Palm at nakikipagsabayan. Sa blog nga nila, kakalabas lang ng Ruby Red Centro.
Abangan na lamang natin ang mga susunod na mangyayari.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
The Influence of Social Media on the Gaming Industry
From connecting players to promoting games, social media has played a major…
February 6, 2018
PLDT debuts innovative rewards program
Beyond earning points, customers experience real power with their very own…