Nitong huling dalaw ko sa Center for Media Freedom and Responsibility, sinabi sa akin ng mga dati kong kaopisina na may nalathala raw na tula ni Myla sa Philippine Graphic kamakailan. Hindi namin namalayan ang pagkakalathala ng tula dahil mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang ipasa ito ni Myla. Ayon sa sources namin, mismong ang national artist na si Nick Joaquin ang pumipili sa mga tulang inilalabas sa Graphic. Asteeg, di ba?
Kung may pera at panahon pa kayo, sana makakuha kayo ng mga natitirang kopya nitong magazine na ang cover ay kasama ng post na ito. Nasa ibaba ang tula.
with my head
I feel the need to catch
the words that come flying
across the wind
before they leave me
for another drifter
like a song from a past
I could not remember
Sad thoughts come running
through my hands, into thin paper
And I forget to breathe when
tears fail to leave my eyes.
Words come to me like
morning hunger strikes
Subtly first, then gently
eating away sentience
until one can think of nothing
more but the moment
of multicolored themes.
I feel the need to write
While silence fills the second
And I remember to be a stranger
To a world where everything
freely questions anything
Dysfunctionality then
becomes my very nature.
No one joins me in this place.
I lock myself firmly
with a cloud of smoke,
my pen and paper,
my solitude and hunger
As I try to catch the words that
come flying across the wind.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!
pag chor zaido zaido biya
ang gnda nmn ng tula la po bng 2ngkol sa pag-ibg ung tglog po ha!
Saglit ng Pagkatha
Hangad ay kumatha
Gamit ang kamalayan
Kailangang mahuli
Ang mga salitang mailap
Na sumasayaw sa hangin
Bago nila ako iwanan,
Ipagpalit sa isa ring
Naghahanap.
Malambing pa ang buhos ng ulan
Tulad ng awit sa isang gunita
Na di ko na rin maalala
Nagpapasaring ang kalungkutan
Sa aking mga kamay,
Na dumadaloy naman
Sa isang manipis na papel
Limot na ang pagsinta
Dahil nakaantabay
Sa mga patak ng luha.
Dumarating ang mga salita
Tulad ng gutom sa umaga,
Hindi matindi sa simula, ngunit
Unti-unting dumadausdos
Sa katinuan hanggang
Maipit na lamang ang sarili
Sa sangandaang sulatin.
Hangad ay kumatha
Habang wala pang imik
Ang pagkakataon
Tulad noong bagong-salta
Pa lamang ako sa isang mundo
Maraming tanong ngunit
Salat sa sagot.
Hindi ko ito matanggap
Kaya minsan akong
Nawalan ng halaga
At dahilan.
Nag-iisa ako rito.
Inaakap ng mahigpit
Ng mga alapaap na usok,
Ang pansulat at sinusulatan,
Pangungulila at gutom,
Habang sinusubukang
Hulihin sa hangin
ang mga salitang
Mailap sa akin.
(ni Myla Torres, salin ni Remir)
ipagpatuloy mo lakambini.
Maganda ang tula. Godbless.
hi ederic!
tuwa naman ako sa iyo, ever the supportive boyfriend! kudos kay myla… first the inquirer, then the philippine graphic, tomorrow the WORLD! galing talaga ng mga taga UPJC! hehehe
Maganda ang tula, naipahayag ng mabuti ni Bb. Myla H. Torres ang kanyang saloobin tungkol sa larangan ng pagsusulat.
Bayaan mong ibahagi ko ito sa aking ibang mga kamag-aral na mahilig magsulat.