(Artikulo ito para sa kolum ko sa Peyups.com. Basahin dito and bersiyong nasa Peyups.)
Ngayong ikatlong linggo ng Setyembre’y nais kong magsulat, bilang parangal sa mga biktima ng Batas Militar, ng isang piyesa tungkol sa kanila at sa panahong kanilang kinabuhayan at kinamatayan.
Nais kong magsulat tungkol sa mga martir ng kilusan laban sa diktaturyang Marcos—silang mga ikinulong at ihiniwalay, binugbog ng suntok at sampal, hinubdan, inabuso’t ginahasa, kinuryente sa suso at bayag, tinusok sa puki ng talong na isinawsaw sa dinurog na sili, puwersahang pinainom ng walang humpay na agos ng tubig hanggang sa lomobo ang tiyan, pinatay, at itinapon sa talahiban.
Ngunit ang naiisip ko’y ang mga lider ng Bayan Muna at Karapatan—mga legal na organisasyong masa na lumalaban at nagbubunyag sa mga kasalanan ng rehimeng Macapagal-Arroyo—na karamiha’y hinihinalang pinatahimik ng mga bala ng militar.
Nais kong magsulat tungkol sa katiwalian at pang-aabuso ng militar sa ilalim ng pamamahala ni Marcos.
Ngunit ang naiisip ko’y ang pakikipagsabwatan ng mga militar ngayon sa Abu Sayyaf at iba pang bintang ng nag-alsang mga “Magdalo.”
Nais kong magsulat tungkol sa mga pahayagan, himpilan ng radyo at telebisyon na binusalan ni Marcos; sa mga mamamahayag na inaresto at ikinulong matapos maideklara ang Batas Militar.
Ngunit ang naiisip ko’y ang pagpapahinto ng GMA-7 sa pagpapalabas ng tampok ng Probe Team tungkol sa isang opisyal ng tanggapan ng pamahalaan na umano’y pinamumugaran ng mga kaibigan ng asawa ng pangulo; ang pananabon ni Macapagal-Arroyo kay Tina Panganiban-Perez dahil sa pakikipagpanayam niya sa isang hinihinalang lider ng nabigong pag-aalsa ng mga sundalo; si Beng Hernandez at ang sunud-sunod na pagpatay sa mga mamamahayag ngayong taon, na tila di mapigilan sa kabila ng pagpapaigting ng pambasang seguridad.
Nais kong magsulat tungkol sa malupit na pagbuwag sa mga demonstrasyon ng mga aktibista laban sa mga patakaran ng diktador.
Ngunit ang naiisip ko’y ang pagtanggal sa maximum tolerance; ang nilulutong mapanupil na anti-terrorism bill; ang pagharang sa mga taga-probinsyang nagtangkang puma-Maynila upang magprotesta laban sa patuloy napagpapaloob ng Pilipinas sa World Trade Organization; ang malupit na paghuli at pagkulong sa mga mag-aaral at guro ng Unibersdad ng Pilipinas na nagrali sa Senado upang tutulan ang UP Cha-cha kamakailan.
Nais kong magsulat tungkol sa katiwalian at nakaw na yaman sa panahong iyon; sa mga deposito sa bangko nina “William Saunders” at “Jane Ryan.”
Ngunit ang naiisip ko’y ang malawakang kurakutan sa mga tanggapan ng pamahalaan sa kasalukuyan, at ang mga deposito sa bangko ni Jose Pidal.
Nais kong magsulat tungkol sa pagdarahop na dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng diktaduryang Marcos.
Ngunit ang naiisip ko’y ang mga naghihikahos at kasama ng piso’y lumubog sakay ng bangkang papel ni Macapagal-Arroyo.
Nais kong magsulat tungkol sa pagiging arogante ng mga mapapalad na piling katoto ng diktador.
Ngunit ang naiisip ko’y ang katarayan ng reyna at kahambugan ng mga malalapit sa kanya.
Nais kong magsulat tungkol sa pagsuporta ni Marcos sa giyera ng United States sa Vietnam; at sa pangungunsinti ng umano’y maka-demokrasyang US sa kanyang kamay na bakal.
Ngunit ang naiisip ko’y ang pagbuntot ni Macapagal-Arroyo sa “US war on terror” at sa pananakop sa Iraq, at sa kanyang mala-hibang na pagdakila, paggaya, pagsunod, at halos pagsamba sa paladigmang si George W. Bush.
Tama ang mga nagsasabing hindi na kailangang ibaba ni Macapagal-Arroyo ang Batas Militar. Ang kahapo’y naririto, ngunit dahil sadyang tayo’y isang lahing malilimutin, hindi natin ito nakikilala.
Ngunit ang lahat ay may hangganan.
Nais kong magsulat tungkol sa galit ng mga mamamayan kay Marcos na sumambulat noong Pebrero 1986 at nagluwal sa EDSA People Power 1.
Ngunit ang naiisip ko’y ang galit ng mga mamamayan kay Macapagal-Arroyo, isang lider na nagtaksil sa diwa at hangarin ng People Power 2 na siya pa namang nagluklok sa kanya. Ang galit na ito’y tiyak na sasambulat sa Mayo 2004—o kung papalarin, ay mas maaga pa nga.
(Mas maaga, mas mabuti. Nang sa gayon, mailuluklok sa pinakamataas na puwesto ang kasunod sa linya, ang isang makabayan at may takot sa Diyos na pinunong nakadama rin ng lupit ng diktaturya at noon pa ma’y kasa-kasama na ng sambayanan sa nagpapatuloy na pakikibaka para sa tunay na kasarinlan at kaunlaran.)
Related links/Sources:
1081 File. What Martial Law Was Like
Beng Hernandez: A Life Less Ordinary
Forgetting, or Not Knowing: Media and Martial Law
Reporters sans frontieres – Benjaline “Beng” Hernandez
Torture Methods and Torturers of Martial Law
Website: The Philippines: U.S. Policy during the Marcos Years, 1965-1986

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
Pwd makahingi ng kahit anung kento?
hay naku.ang pangit talaga ng speech mo.ang haba-haba non-sense naman.sino naman kaya magkaka-interes na basahin yan?huahahahahaha!yun lang.pakialam mo ba?
ang pangit.yun lang.pakialam mo.
mganda kaso medyo paulit-ulit ang words na parang tula na
Sino ba ngdeliver ng talumpating yan?
Pare, wala akong technical problem sa pagpo-post ng comment.
Kaya lang, hindi gumagana y’ong links na nasa ibaba nitong article mo.
ang talim talaga ng mga panulat mo bok. naiisip mo palang, humihiwa na! ang lufffet! may ur tribe increase!
Pare, napakaganda nito. Kitang-kita ang pararelismo ng kahapon at ngayon.
Ito ang pinakamagandang nabasa kong artikulo mo ngayong taon. Makakita sana ako ng marami pang katulad nito mula sa iyong panulat, at alam kong kaya mo ito.
Comment ni Lordan na ipinadala sa e-mail ko:
Kgg. Ederic Eder,
Nagkaroon ako ng problema sa pag-post ng aking komento ukol sa iyong artikulo. Kaya dito ko na lang padadaanin:
Maganda ang nilalaman ng iyong argumento. Masakit mang isipin na makalipas ang 20 taon, at 4 na pangulo, wala pa rin tayong nararanasang ginhawa at pagasenso.
Nawa’y maging mulat tayo sa darating na eleksyon. At maging maingat tayo sa pagboto ng mga taong huhubog sa magiging kinabukasan ng ating bayan.
Sumasangayon ako sa lahat ng iyong sinabi, ngunit hindi na siguro maganda ang ideya na patalsikin pa si Gloria sa kanyang pwesto. Bayaan na lamang natin siyang tapusin ang kanyang nalalabing sandali sa Malakanyang.
Sinusulat mo na ba? Gusto na siyang basahin.
Happy weekend Ederic. 🙂