
Nadiskubre ko kamakailan ang tama at mas mabilis na paghahanap ng contacts sa Treo 650 ko.
Dati, nawiwirduhan ako kapag naghanap ng number ng mga tao sa Contacts application ng Treo. Halimbawa, hahanapin ko ang number ni Diana Zubiri — kunwari, meron ako — o ni Senator Migz Zubiri. Siyempre, ang una kong ita-type ay ang mga letrang Z-U. Inaasahan kong ang lalabas lamang ay mga apelyido at pangalang nagsisimula sa Zu.
Pero nagtataka ako dahil di ganito ang nangyayari. Sa halip, ang unang entry na lumalabas ay Zeng, Umil.
Kinalauan, nalaman mula sa Quick Tour ng Treo na upang mas madaling mahanap ang number ni Diana Zubiri, ang dapat kong i-enter ay D at Z, o DZubiri. Kung kay Migz naman — na ang entry sa Contacts ko ay Zubiri, Juan Miguel — ang dapat kong i-type ay JZubiri. Ang ginagawa pala kasi ng system ay humahanap ng contact na ang first name ay nagsisimula sa unang titik na ipinasok at ang last name ay nagsisimula sa ikalawang titik.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
January 15, 2026
DICT: Converge is PH’s nat’l broadband leader
The agency says it delivers the fastest average speeds, lowest latency, and…
December 30, 2025
Coca-Cola brings ‘Sound of Home’ to OFWs in Australia
Australia's airwaves turn into an audio love letter from families in PH.
December 23, 2025
The Temple House unveils ‘The Art Peace’
It is said to be the world's largest permanently illuminated peace symbol.


