Taga-UP ba si Darna?

Seryosong tanong ‘yan. Hindi ako nagbibiro. Mula kasi nang mabasa ko ang unang isyu ng bagong Mars Ravelo’s Darna komiks, ‘di na ako mapakali. Gusto kong malaman talaga kung taga-UP si Darna (o si Narda). Ilang araw ko nang kinulit ang mga paborito kong tao kung ano ang opinyon nila sa usaping na ito. Sari-sari ang reaction nila. May deadma, may natatawa, may nagugulat, at may nagtatanong kung seryoso ba raw ako.

“Ha? Tigilan mo na nga ‘yang jute-jutes mo!” ang hirit sa akin ng sikat na sikat BIR/TIN boy na si Mechajol nang i-text ko sa kanya ang tanong ko. Pero nang ma-realize niyang seryoso ako, nag-serious mode na rin ang boyfriend ni Kikai: “Taga-UP si Darna kasi may sense of responsibility siyang tumulong sa kapwa.”

Si Bosing Mimi naman, na isa sa mga una kong natanong, ay nagsabing hindi raw siguro. Eh bakit kako? Ang sagot niya’y hindi naman daw nag-aaral si Darna. Sa mga napanood daw niyang Darna movies, hindi naman pumapasok sa school si Narda.

Pati sa MRT ay hindi ako mapakali. May nakasakay akong maiingay na mga estudyante na halatang taga-UP. Nang ‘di na ako makatiis, kahit ‘di ko pa kilala?y tinanong ko si Leo, na taga-MassComm pala. Gaya ni Mimi, sabi niya?y hindi raw taga-UP si Darna dahil hindi naman nag-aaral ang ating bida.

Hindi rin daw taga-UP si Darna dahil may ka lumulunok siya ng bato?Hehe, medyo may katangahan ba??ito, sabi ng friend ni DJ ng UP Manila at Youth for Nationalism and Democracy. Pero sabi ni DJ, “Sa tingin ko, pwede siyang taga-UP kasi iskolar ng bayan nga, [ang motto ay] serve the masses.”

Ayon sa bagong Mars Ravelo’s Darna komiks, si Narda ngayo’y isa nang maalindog at matalinong dalaga?at iskolar sa lungsod.

“Maalindog at matalino ba ‘ika mo? Aba’y taga UP yan… Maaalindog at matatalino ang mga dilag sa UP no? Nakita mo na ba ang muses sa may FC? Sample pa lang yon ha…” hirit naman ni Abel, kaibigan ko sa UP Journ Club.

Isang alumna naman ng JournClub, si Ma’am Cookie ng Union of Catholic Asian News, ang naniniwala ring taga-UP si Darna kasi raw “medyo weird siya tulad mo.”

Ang hirit naman ni Handyfemme nang siya ang tanungin ko: “Siguro. hehehe! Ako yun, LOL. Hindi. Baka…” At idinagdag pa niyang hindi raw ba ako naniwalang fictional character lang si Darna. Pero sa laki raw ba ng UP, malamang aniya ay narito si Darna o kaya ay nakapunta na rito. Sabi sa komiks, si Narda ay lumaki isang rural na lugar sa timog ng Kalunsuran. Si Handyfemme, isang incoming UP freshie, ay taga-Cavite. Ang Cavite ay nasa timog ng Kamaynilaan. Hmm, hindi kaya?

Kumbinsido rin si Tram21 ng UPLB na taga-UP si Darna: “Sa palagay ko oo. Matalino na kamo siya e. Alangan namang sa La Salle… Hehehehehe peace! no offense meant.?

Pati na rin ang kilalang comic writer na si Budjette Tan ay tila kumbinsidong taga-UP nga si Darna: “Well, considering she came from the province and didn’t really have a well-off family, it’s possible that she got into UP on a scholarship. 🙂 Or maybe she tried out Ateneo and didn’t like it. He he he ”

Sabi naman ng kasamahan kong patnugot sa Tinig.com, si Ka Martin, taga-UP ang gusto niyang gumanap na Darna, Michelle Aldana?isa sa iilang mga magagaling at matatalinong artista ng pelikulang Pilipino.

Siyempre, sa mga tinanong ko, mayroon ding deadma, mga hindi sigurado, at isang hindi kilala si Darna. Si Sir Dario, na kasamahan ko sa Kyodo News ay ayaw sumagot at sa halip ay itinanong kung ako raw ba si Darna Bwahaha!

Nang tanungin ko ang sikat na netizen ng Cotabato, si Abdul Aziz?Abs for short?ay simple lang ang sagiot niya: “Hindi ko alam.”

Ang sagot naman ng friend kong si Bing, taga-IT Update: “Ha? Bakit? I have no idea.” Pero mas malala si Arnold na taga-Hawaii–hindi niya kilala si Darna, hehehe.

“Tungkol ba ito sa bagong Darna ngayon? Siguro,” ang naman ni sagot ni the great Noel P, na kasama kong nagtayo ng Tinig.com. “Siguro,” rin ang sabi ni James, isa sa pinakamagagaling na contributor namin, sabay tanong kung bakit ko raw naitanong yun. Si katotong Chinito ay naniniwala ring taga-UP si Darna kasi ?sa UP ka lang makakahanap ng ganun kaganda at kaseksing babae na patriotic at nationalistic. Hehehe.?

?Yes, taga-UP siya,? ang sagot naman ni Pon. ??Of course, national superheroes should naturally be in UP.?

Sa palagay ni Myla, ang maganda at maprinsipyong deskperson na Kapuso sa GMA-7, taga-UP si Darna “kasi mahilig tayong mga taga-UP sa baliktaran: Parang Darna-Narda at Ikot-Toki, hehe. Tayo lang nakakaisip nun.” Oo nga, ano?

Samantala, ang kaibigan ni Vlad, kapatnugot ko rin sa Tinig.com, ay “oo” ang sagot sa katanungan, “kasi nakidnap siya sa campus, e sa UP lang nangyayari ‘yun.” (Medyo co?o nga lang raw si Narda, kasi taga-Ateneo ang bagong gumawa sa kanya.)

Kinumpirma naman ng kaibigan kong si Alfred ng CyberDyaryo, na taga-UP nga si Darna: “Taga-Pook Dagohoy nga ‘yun, e. Sikreto lang ‘yun, ha?” Pero dahil sinabi ko na sa inyo, hindi na sikreto.

Ikaw, naniniwala ka bang taga-UP si Darna? Bakit o bakit hindi?

http://www.peyups.com/article.khtml?sid=2100