Ang hatol: guilty

Guilty ang hatol ng Senate Impeachment Court kay Punong Mahistrado Corona. Tatlo lamang – hindi lima, gaya ng hula ko — ang bomoto pabor kay Corona. Ang tatlong ito ay sina Senador Joker Arroyo, Senador Miriam Defensor-Santiago, at Bongbong Marcos.

Panoorin sa video ng State of the Nation ang botohan kahapon:

Continue reading

Ang basa ko sa hamon ni Corona

Chief Justice Renato Corona

Punong Mahistrado Renato Corona. (Mula sa Senate website. Kuha ni Joseph Vidal/ PRIB/ Senate Pool)

Sa ika-apatnapung araw ng paglilitis, tinupad ni Chief Justice Renato Corona ang kanyang pangako: humarap siya sa impeachment court upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Kabilang sa mga bintang kay Corona ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan at paglabag sa saligang batas dahil sa di niya raw niya pagsisiwalat ng eksaktong statement of assets, liabilities, and net worth.

Para kay Corona, impeachment trial ay huwad at “isang paghihiganti [nang] sukdulan at kahiya-hiyang tangka na pigilin ang pagbabahagi ng lupain sa Hacienda Luisita.”

Continue reading