Sa ika-apatnapung araw ng paglilitis, tinupad ni Chief Justice Renato Corona ang kanyang pangako: humarap siya sa impeachment court upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.
Kabilang sa mga bintang kay Corona ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan at paglabag sa saligang batas dahil sa di niya raw niya pagsisiwalat ng eksaktong statement of assets, liabilities, and net worth.
Para kay Corona, impeachment trial ay huwad at “isang paghihiganti [nang] sukdulan at kahiya-hiyang tangka na pigilin ang pagbabahagi ng lupain sa Hacienda Luisita.”
Ayon pa sa kanya, “ang tunay na layunin [ng impeachment] ay wasakin ang hudikatura, wasakin ang ating demokrasya, at pairalin ang utos ng mahal na hari.”
Pero sa isang madramang talumpati, sinabi rin ni Corona tungkol sa mga mahistrado ng Kataastaasang Hukuman: “Mayroon po lamang kaming tig-iisang boto, at ito po ay pantay-pantay. Ang aking boto ay kapareho lamang ng boto ng pinakahuling naitalagang mahistrado.”
Kung isa lamang siya sa maraming mahistradong pantay-pantay ang kapangyarihan, paano nangyaring ang tangkang pagtanggal sa kanya ay pagwasak sa hudikatura at sa demokrasya?
At nito ngang humarap sa impeachment court si Corona, ipinagtanggol niya ang kanyang sarili at binanatan ang administrasyon. Sa huli, ginulat niya ang lahat sa pamamagitan ng pagpirma sa isang dokumentong nagpapahintulot sa mga ahensya ng gobyerno na busisiin ang lahat ng kanyang mga ari-arian kabilang ang kanyang mga tagong dollar accounts.
(Kung tutuusin, awtomatiklong nagbigay na si Corona ng ganitong pahintulot nang lagdaan at ipasa niya ang kanyang SALN. Pero wala kasi sa SALN niya ang secret dollar accounts niya dahil sa paniwala niya, sakop ito ng batas ukol sa confidentiality ng foreign deposits.)
Nagulat ang lahat sa pahayag ng punong mahistrado. Ibig sabihin, ilaladlad na iya ang lahat! But wait, there’s more! Huwag masyadong ma-excite. Ang dagdag niya, magkakabisa lang ang waiver niya kung lalagda rin sa ganitong dokumento — na ipinamahagi ng kampo niya — ang 188 congressmen na pumirma sa impeachment complaint at saka si Senador Franklin Drilon.
Pagkatapos nito, tinuldukan ni Corona ang kanyang tatlong oras na pahayag sa pamamagitan ng pagsasabing “And now the Chief Justice of the Republic of the Philippines wishes to be excused.”
Kasunod nito, tumayo siya at umalis nang walang pahintulot ng korte. Ayon sa ilang ulat, nagtangka siyang lumabas ng gusali ngunit napigilan ng sargeant at arms sa utos ni Senate President Juan Ponce Enrile. Maya-maya’y bumalik si Corona, naka-wheel chair. Na-deja vu ang mga tao. Ayon sa depensa, bumagsak ang blood sugar ni Corona kaya siya sumama ang pakiramdam at umalis.
Halata sa mga nauna na niyang pahayag na sapilitan lang ang pagkilala ni Corona sa impeachment trial na tinawag niyang “huwad.” Kaya naman ganito ang mensaheng nabasa ko sa kanyang waiver challenge:
“Kung babagsak ako magsama-sama tayo sa impyerno, mga ulol!”
Samantala, ang kanyang walk-out ay tila naman isang malakas na “Fuck you!” sa impeachment court.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…