Sa kanyang 30th birthday, ini-release ni James Reid ang summer single niyang “So Fire.”

Andito na naman tayo sa mode na tumatanda na talaga tayo. Naalala ko pa si James Reid sa Pinoy Big Brother bilang patpating teenager na hirap managalog. Ngayon, aba’y 30 na pala siya noong May 11 at international na ang audience. May sarili na ring record label si James, ang Careless. Isa sa artists nila ang kontrobersiyal na si Liza Soberano.

Ayon sa press release ng Careless, isang playful na disco-pop track ang “So Fire.” Pinagsama raw nito ang upbeat na funk elements at melodic retro synths.

Tungkol naman sa tema ng kanta, ito ang sabi ng Careless: “It’s about falling for a ‘new flame,’ and how their energy is just like fire — it draws you in, entrancing and mesmerizing. It’s warm and comforting. It’s also a little bit dangerous, but you can’t keep yourself away.”

‘Unforgettable summer soundtrack’

Single cover of James Reid's "So Fire"
Single cover of James Reid’s “So Fire”

“James’ ‘So Fire’ is a captivating musical masterpiece that ignites passion and sets the groove in motion for an unforgettable summer soundtrack,” dagdag pa ng Careless.

Mapanukso, kung gayon, ang “So Fire” ni James Reid. Mapapakinggan na ito sa iba’t ibang music streaming platforms: https://orcd.co/jamesreid_sofire

Pinakinggan ko ‘to. Moderno at nakakapaindak nga. At oo, medyo malandi.

Bago ang release ng single na “So Fire,” lumabas ang album ni James na “lovescene:” noong October. Part ng album na ‘to ang “lie to me,” na lumabas naman ang music video noong November.