Melason

Share ko lang ang article ko tungkol sa love team na kinagigiliwan ng lahat, ang Melason. Minahal ng mga manonood sina Melisa Cantiveros at Jason Francisco sa loob ng Pinoy Big Brother house. Sa kanilang paglabas sa “Bahay ni Kuya,” sinalubong sila ng pagmamahal ng napakaraming fans. Bakit nga ba sila patok, at pati ako’y naadik sa panood?

Basahin ang “Melason” dito, at panoorin ang mensahe nila sa kanilang mga tagahanga.

Bagong PBB top 4 ko

Pagkatapos ng mga pangyayari sa Pinoy Big Brother nitong mga nakalipas na linggo, at dahil wala na si Dionne sa PBB, eto na ang bagong top 4 bets ko:

Mickey

Bea Geann Buddy

Opps, aso nga pala si Buddy. Sige si Nel na lang!

***

By the way, happy birthday, Jose. Kahit nanonood kami ng PBB sa halip na pagkuwentuhan ang iyong mga paglalakbay sa Europa at pagpaslang sa ‘yo sa Luneta, di ka pa namin nalilimutan!

Pinoy Big Brother update

Isang gabi bago ang laban nina Manny Pacquiao at Jorge Solis, nanood kami ng Pinoy Big Brother eviction night. Apat ang nominado: sina Bodie Cruz, Gee-Ann Abrahan, Dionne Monsanto, at Kian Kasemi.

Natuwa ako nung maligtas sa eviction si Dionne–taga-University of the Philippines College Cebu at kasapi ng League of Filipino Students, na isa sa mga gusto kong manatili sa PBB. Kinaiinisan siya ng iba dahil sa laging pagkakaroon ng ka-loveteam, pero ‘di ba’t nagpapakatotoo lang si Dionne? Sayang naman at natanggal si Kian ng La Salle Benilde–cool siya at laging positibo. Continue reading

Pinoy Big Brother: Bakit Patok?

Habang isinusulat ang entry na ito, ayoko man ay nakararating rin sa aking pandinig ang nakakairitang pagsasalita ni Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother. Isa kasi ang pinsan at roomate ko sa mga Pilipinong nahahaling sa palabas na ito. Napakalabo ng signal ng Channel 2 rito sa kuwarto namin, pero talagang pinagtitiyagaan niya. E, ano ba kung Kapuso ako? Sa kanya kaya ‘yung TV. Kaya gustuhin ko mang manood ng Sugo, wala akong magawa. Continue reading