Habang isinusulat ang entry na ito, ayoko man ay nakararating rin sa aking pandinig ang nakakairitang pagsasalita ni Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother. Isa kasi ang pinsan at roommate ko sa mga Pilipinong nahahaling sa palabas na ito. Napakalabo ng signal ng Channel 2 rito sa kuwarto namin, pero talagang pinagtitiyagaan niya. E, ano ba kung Kapuso ako? Sa kanya kaya ‘yung TV. Kaya gustuhin ko mang manood ng Sugo, wala akong magawa. Hindi ko tuloy alam kung kanino ikakasal si Oli Impan–opps, Isabel Oli pala (Ang Oli Impan ay tagalog version ng dulang “Holy Infant” ni Ka Bert Florentino).
Noong weekend, halos saan man kami pumunta ni Mhay ay puro “Pinoy ako, Pinoy tayo” ang naririnig namin. Ang nakapagtataka lang, wala namang kinalaman ang lyrics ng kanta sa PBB. Nagkapareho lang na mayroong salitang “Pinoy.”
Anu’t anuman, hindi maitatangging kahit hindi maitaob ng Pinoy Big Brother sa ratings game ang Sugo at Jewel in the Palace, napakaraming Pilipino pa rin ang sumusubaybay sa palabas na ito. Pero bakit nga ba patok na patok sa mga Pinoy ang Pinoy Big Brother?
Ah, kasi Pinoy tayo? Joke lang. Corny na.
Isa sa mga simpleng sagot ko riyan: kasi tsismoso at bosero tayo. Sa mga unang araw pa lamang ng palabas, nilandi na ng Pinoy Big Brother ang mga manonood sa pamamagitan ng pagbibilad ng mga katawan ng mga “housemates.” At dahil pa-sexy at bago rito ang palabas na sikat daw sa ibang bansa, na-curious ang mga tao.
Hindi ko alam kung likas sa ating mga tao ang pagiging pakialamero at usisero. Parang okay yung ideyang panonoorin at susubaybayan natin ang buhay ng may buhay. At dahil sa pagiging interactive ng mga manonood, sa pamamagitan ng text messaging ay may “say” ang mga manonood sa kahihinatnan ng mga karakter sa pinapanood nilang “teleserye ng totoong buhay.”
Pero bukod sa simpleng dahilan na tsismoso, bosero, usisero at pakialamero tayo, may iba pang mga paliwanag kung bakit marami ang adik sa Pinoy Big Brother. Ayon kay Mayang:
… ang PBB housemates ay kumakatawan sa bawat isa sa atin. Microcosm of Philippine society ika nga. There is always a Cass, Uma, JB, Say, Chix, Rico, Jason, Jen, Nene, Bob, Raquel and Franzen in all of us, in our community. Sila ang sumasalamin sa bawat isa sa atin. Iba’t iba ang ugali, iba’t iba ang dynamico ng social interaction.
Nagiging malapit din sa mga manonood ang Pinoy Big Brother dahil ipinapakita nito ang kuwento ng mga karaniwang tao na biglang nakilala. Sa kanilang pagpaimbulog sa himpapawid ng telebisyon, itong mga dating di-kilalang taong ito ay unti-unting sumikat, at sa proseso ay tinupad nila ang hayag o di-hayag na pagnanais ng karamihan sa mga manonood na sumikat din at makilala. Parang StarStruck din.
Isa pang nakakaakit sa mga manonood ay ang elemento ng sorpresa o kawalang katiyakan sa gitna ng mga kumplikasyong nililikha sa palabas. Nagiging curious ang mga manonood kung ano ang magiging bunga ng mga ikinikilos ng mga “housemates.” Inaabangan nila ang mga susunod na mangyayari.
Sana nga lang, hindi scripted ang lahat-lahat sa palabas na ito.
Ayan, natapos din ang palabas. Tulog na ang pinsan ko, pero ang kanyang big brother ay busy pa rin sa blog na ito.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 19, 2023
‘Elemental’ is 2023’s most-viewed movie premiere on Disney+
“Elemental” made its streaming debut in a blaze of glory.
September 16, 2023
Converge, BlastTV intro Studio Universal
Converge announced the launch of Studio Universal in Southeast Asia on…
[…] isang taon, itinanggi ng manager ni Sam na may relasyon ang Pinoy Big Brother alumnus at ang beauty […]
[…] ft. Aventura. Simply (For the world) The coolest bachatero on the planet (El duo dynamico) …Pinoy Big Brother: Bakit Patok? | ederic@cyberspaceHabang isinusulat ang entry na ito, ayoko man ay nakararating rin sa aking pandinig ang … iba ang […]
hoy baka ikaw nga ang usisero at pakialamero kasi ehhh wala ka namang magagawa ehh mas maganda kasi ang pbb kesa sa gma 7 ehh bakit mo ba pinakakailaman ang gusto naamin !! ikaw ata ang pakailamero at usisero !!
Ang puso mo! Ang puso mo. Nanonood na rin kami ng PBB ngayon. Melason fans pa nga kami ng girlfriend ko. eh. Hehe. 🙂
sa mga fanatic dyan! sorry ha! don’t get me wrong! i’m not against of this PBB show, but nagpapakatotoo lang din ako! nagpapahayag ng aking saloobin! hehehe
Actually more on Kapamilya ako pero nanonood rin ako ng mga ibang palabas ng Kapuso channel! kahit mas more kapamilya ako pero etong Pinoy Big Brother na to hindi ko talaga ma take panoorin! para sa akin masyadong corny yan! mas gugustuhin ko pa cguro manood ng mga replay na palabas kesa manood ng PBB heheh hindi ko kc ma take masyadong OA! dahil na rin cguro hindi ako makashowbiz na tao! hindi ako tsismoso at bosero ika nga hehehe! kc wala nman talaga tayong aral na makukuha sa pinoy big brother show na yan! mas gugustuhin ko pa manood ng mga game shows gaya ng game ka na ba, 1 vs. 100 or kakasa ka ba sa grade 5 at least madadagdadagan pa ang kaalaman ko! hehehe
Oo nga, kanya-kanyang trip lang yan.
Bakit ba ang mga taong favor sa kapuso..galit2 sa kapamilya? wala namang masama kung subaybayan yung programa nila dba?tayo kasing mga pinoy may kanyakanyang disisyon at may kanyakanyang ini idolo kaya walang masama kung subaybayan natin ang programa nang kapamilya…mind ur own business nalang….ok?dahil tayong mga pinoy kung saan tayo masaya eh dun tayo dba?….hehehe…
for me pare-pareho lang naman po sila eh! minsan nakakairita na rin panoorin pbb eh!
Nika: Sabi mo e. 😉
Nice: nagpapakatotoo naman ah. E kung ‘dii ako totoo, sasabihin kong tuwang-tuwa ako sa PBB kahit hindi, di ba?
Hindi nyo lng kc matanggap na nsa ABS-CBN ang mga top rated show……..and toni gonzaga is very talented person………..
Hindi nman nkakairia c toni gonzaga ahh!!!ganyan lng tlaga xa!!!!kya nga xa ang host ng PBB!!!!kc 22omh tao xa!!!!magpaka22o nga kau!!!!????
he he he sagot naman po kayo!!!!
This is nika hindi naman po ganun ang dapat nating ihusga kasi maganda naman po yung PBB di’ ba
Sana lang po wag nating husgahan agad ang isang palabas!!!!
Magandang-Maganda ang big brother
Hit na Hit ang theme song nito sa Sea Games
Ito po ang pinatutugtog kapag nanalo ang isang pinoy athelete diba?
Akala ko ako lang ang naiirita kay Toni Gonzaga. She talks too much.
my website is http://www.freewebs.com/housing/ . sa misis ko yan. Real Estate Agent sya. nagkataon lang na nadaanan ko itong website mo. my e-mail is : alvin_bizz@yahoo.com.
Edric si Alvin ito, PIO ng Phil. Postal Corp. sa media office sa Manila. Remember ajo yung pumasyal sa opis mo to copy a cd ng news sa PHilPost. Text kita. ganda pala ng website mo. Can you help me naman sa website ko rin sa Real Estate para makilala. add mo naman ito sa links mo. pwede bang mabanggit ito sa GMA 7?
Thanks Ingat ha. Text kita mamaya.
Alvin
Thanks for sharing that, lea. Narinig ko nga rin yan dati. Text sa akin ng isang kaibigan kong si A:
“mukha talagang gago ung ad ng pinoy bb. ung theme song sinasabi wag laging makibagay ang pinoy tapos ung palabas kopya sa europe tsaka sa us. mga ulol.”
share ko lang po: alam niyo po bang gayang-gaya (o ginaya) ng OnL ang isang lumang kanta ng dayuhang banda. at maaaring may kaso o sadyang binalewala dahil siguro…
eto ang medyo mahaba-habang post ng isang kritiko ng pinoy music: http://elf-ideas.blogspot.co