(March 14, 2004 Update: Para sa mga naghahanap ng profile ni Eddie Gil, mangyaring pumunta lamang sa link na ito. Maaari ring mapanood sa link na ito ang mga episodes ng Bio-data at Panindigan tungkol kay Eddie Gil at iba pang mga kandidato sa pagkapangulo.)

Photo from Eddiegil.org. Added on June 23, 2004.Isa sa anim na mga kandidatong pinayagan ng Commission on Elections na tumakbo sa pagka-Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ang kadalasang reaksyon sa kanyang kandidatura ay, “Sino ‘yun?” Sino nga ba si Eddie Gil?’

Si Eddie Gil, 59, ay pinuno ng Isang Bansa Isang Diwa, isang foundation na nanggaganyak ng mga kasapi sa buong bansa at nangangako ng maraming mga benipisyong pinansyal sa mga sumasali. Political arm ng foundation ang Partido Isang Bansa Isang Diwa.

Ipinakikila ni Eddie Gil ang kanyang sarili bilang isang mayamang negosyante sa larangan ng banking and investments at may mga kumpanya raw siya sa Pilipinas at ibang bansa na tutulong na iangat ang ekonomiya at magpasok ng maraming trabaho sa bansa sakaling siya ay palarin sa Mayo 2004.

Sinasabi rin ni Eddie Gil na mula sa pagiging isang tagalinis ng sapatos, dinala siya sa Europa ng isang kaibigang Europeo at sinanay sa pandaigdigang kalakalan. Katunayan, may mga investments aniya siya sa malalaking international banks gaya ng Deutsche Bank.

Kasamang tumatakbo ni Eddie Gil sa Partido Isang Bansa Isang Diwa ang mga kandidato sa pagkasenador na sina Ramon Montano, isang dating army chief, Pilar Pilapil, isang artista, at iba pa.

Kilalanin at kilatisin si Eddie Gil sa Bio-Data ngayong ika-11 ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center