(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)
Ang buwang ito ng Enero 2004 ay maitatala sa kasaysayan ng bansa sapagkat muling makakatikim ng lethal injection o parusang bitay—actually, hindi bitay sa literal nitong kahulugan, kundi turok ng lason—ang mga nasentensiyahang kidnappers.
Noon ay ayaw na ayaw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapataw ng parusang kamatayan. Mula nang siya ay maupo, wala pa ni isang death convict ang napatawan ng parusang kamatayan. Ngunit noong ika-5 ng Diyembre, ang ganitong mga pahayag ang pamasko niya sa pamilya ng mga bilanggo sa death row at sa kanilang mga pamilya:
“I shall no longer stand in the way of the executions scheduled by the courts for January 2004.”
Bagamat nananatili aniya ang kanyang moral na paninindigan kontra sa parusang kamatayan, bilang pangulo ay kailangan niya aniyang sumunod sa nakatataas na kapakanan ng publiko sa mga ganitong hindi pangkaraniwang pagkakataon.
“The pain of victims of heinous crimes has spread all over the national community and I shall not turn my back against the cry for just retribution under the law.”
Kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga hindi sang-ayon sa kanyang desisyon, panahon na aniyang siya’y tumindig para sa mga mamamayan.
Mahigit isang linggo lamang ang nakalilipas mula nang kanyang i-anunsyo ang pahayag na iyan, ipinagtanggol pa niya ang noo’y matatag niyang paninindigan laban sa death penalty.
Ayon sa kanya, naisagawa na noong una pa ang mga pagbitay ngunit hindi nito napigilan ang mga karumal-dumal na krimen. Pinagbibigyan lang aniya nito ang emosyonal na pagnanais ng paghihiganti ngunit ang pinakamabisa pa ring solusyon ay gamitin ang buong criminal justice system laban sa mga kriminal upang mabisang masugpo ang mga krimen.
Sa halip na magpapogi sa media, gagamitin na lamang niya ang “strong institutional approach,” ayon pa sa Pangulo noong Nobyembre 25, 2003, isang araw matapos na may maghain sa Kongreso ng resolusyong humihiling na pawalang-bisa ni Arroyo ang moratorium on death penalty na kanyang idineklara noong 2002. Dulot ito ng muling pagsulpot ng sunud-sunod na mga pagdukot, lalo na sa mga pamayanang Tsinoy.
Sa unang tingin, nakapagtataka ang biglang pagbaligtad ni Arroyo. Isang masugid na tagasunod ng Simbahang Katoliko—ang pangunahing kritiko ng parusang kamatayan—biglang papayag na isakatuparan ito? Aba’y kakaiba!
Pero kapag lubusang sinuri, natural lamang ang desisyong ito ni Arroyo.
Matatandaang sa kabila ng pagbatikos ng Santo Papa sa giyerang pananakop ng United States sa Iraq, todo-todong suporta ang ibinigay niya sa US. Ang resulta: lalong naging katanggap-tanggap sa publiko ang Pangulo.
Sa lipunang Pilipino na puno ng mga taong malilimutin pero mapaghiganti at mahilig sa shortcuts, patok ang parusang kamatayan. Kung ikaw si Arroyo, isang kandidato sa pagkapangulo sa 2004, palalagpasin mo ba ang mga pagkakataong ganito?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
bakit pa kailangan ng death penalty?
Kung hindi sila mapapatawan ng parusang kamatayan dahil lang sa awa at dahil sa sinasabing Diyos lang and pwedeng kumuha ng buhay ng tao eh bakit may mga taong pumapatay??? Bakit hindi sila dapat mahanay sa death penalty kung hindi sila gumagawa ng malalaking krimen!! Paano na lamang ang mga biktima hindi bat sila ang mas kaawaawa?? Dapat lamng na mahatulan ang nagkasala!!! imoral daw ang hatulan ng kamatayan ang nagkasala sa batas ng tao pero alin ba ang mas imoral, ang death penalty o ang mga masasamang tao na ito na gumawa ng mga kasamaan at kasalanan sa kanilang kapwa?? “kapag buhay ang kinuha, buhay din ang dapat na kapalit!!!!!!!!!!!”
death penalty is really anti poor because almost all persons under the death row is poor and can’t even understand why they are convicted,others are simply victim of innocent crime. our government should abolished it now for the sake of mankind. for fair treatment to people, it should be abolished and be repealed for only the poor are the victims,not even the corrrupt government officials. so the best way is to have a better policy on crime- not death.
Ideally, hidni nga dapat ihalo ito sa pulitika. kaos, kung ang mismong tao na hindi dapat mamulitika ang namumulitika… patay tayo diyan.
Consistent pa naman siya sa pagiging inconsisitent. 😉
Walang masama,at okey lang na magpalit ng isip at paninindigan ang pangulo sa mga isyu ukol sa pamamahala ng gobyerno. Wala namang batas na pinagbabawal ang pagpapalit ng isip. Lalo na kung sa pagpapalit nito, ay mas huhusay ang pagpapatakbo ng bansa.
Ang masama at mali sa patatalakay ng mga isyu ay yung “punto de vista’, na iyong hinain o minungkahi…”na bawal magpalit ng isip”. Hindi ako sangayon doon na dahil nasabi na ng pangulo minsan na ganoon ang kanyang paninindigan, na siya ay wala ng karapatan na baguhin ang kanyang polisa. Mas lalong hindi tama yun.
Ang isyu ay ukol sa “death penalty” na binatikus na at pinagpasyahan ng Korte Suprema. Ngayon, nandoon na tayo sa tinatawag na “court of last resort”…nasa kamay na ng presidente ang pagpapasya…”itutuloy ba”….or ipagpapaliban upang siyasatin muli, “por da last tyme”.
At pagkatapos noon ay, ano? Bibitayin ba or hahatulan ng habang buhay, or bibigyan ng huling pagkakataon pagaralan muli ang kaso?
Mabigat na desisyon ito. Hindi dapat ihalo sa usapang pulitika ang isyu ukol sa buhay ng isang nilalang, kriminal man o hindi.
Kaya huwag nating daanin ang usapan sa pulitikahan. Huwag nating imungkahi na may mga political issues na involved. Hindi maganda. Hindi tama.
Sa muling pagniniig…magkakakilala tayo ng mas mahusay.
Pepeton