Hindi lang ako mook, señorito rin ako. Ang excuse ko’y palibhasa’y sampung taong kaisa-isang apo (ten years old na ako nang masundan ako ng isang cute at mestisong pinsan), spoiled ako sa Tatay at Nanay (lolo’t lola) ko. Lahat ng gusto ko, sa ayaw nila at sa gusto, ay gusto ko. At ang gusto ko ngayon, gusto ko ngayon.
Lumabas ang ugali kong iyan kani-kanina lang, kaya ako nagpapalipas ng oras sa isa na namang Internet cafe. Kasi’y ike-claim ko ang aking labada kanina. Sabi ng nasa laundry, mga 7pm daw. Eh kakalagpas lang ng ala-sais noon. Nag-Internet muna ako, at lumagpas ako nang hanggang alas-otso. May nadiskubre kasi ako tungkol sa Tinig.com na ikinasama ng loob ko.
Nang bumalik ako sa laundry, walang ibang tao maliban sa isang karpentero. Ang bilin daw sa kanya ng may-ari, kung kukuha, ang sabihin ay bukas na lang. Papayag ba ng ganoon si Señorito? Syempre hindi! Kinulit-kulit ko ang kawawang karpentero na ang kasalanan ay sumunod lang sa inuutos sa kanya. Ewan ko kung ang pagmamarakulyo ko ay dala ng pagka-bad trip ko mula sa unang Internet session, pero nakakahiya namang talaga yung ginawa ko. Ayan, 15 minutes pa ang hinihintay ko, at makukuha na ni Señorito ang mga nilabhang damit niya.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…