Coco-Loka

Inaanyayahan ko po kayong manood mamayang hatinggabi ng I-Witness sa GMA-7. Samahan ninyo kami ni Howie Severino sa pagbabalik sa kinalakhan kong nayon sa Santa Cruz, Marinduque.

Pumunta kami roon bilang bahagi ng pagbabantay sa maaaring kahinatnan ng halos P2 bilyong pisong pondo mula sa coco levy funds–na ilang taong binayaran ng mga magsasaka sa niuygan gaya ng lolo at lola ko.

Eto ulit ang plug, Tagalog version naman:

Sinira ng matinding bagyo ang mga niyugan ng Marinduque. Kaya lalong nabaon sa hirap ang mga taga-roon. Ang kaawa-awang sitwasyon ng kanyang bayan ang magtutulak sa isang promdi na hanapin ang hustisya sa Maynila.

Si Ederic Eder ay iskolar sa UP na empleyado na ngayon ng GMA. Ilang taon nang pilit inaalam ni Ederic ang nangyari sa pondo ng coco levy. Isa kasi ang pamilya niya sa milyong-milyong magsasaka na nagbayad ng coco levy – na sinasabiing kinurakot ni Marcos at kanyang mga cronies.

Sa tulong ni Howie Severino at ng I-Witness, matutuklasan ni Ederic na ang halos dalawang bilyong pisong mula sa coco levy ay nanganganib gamitin ng ilan para sa pangangampanya ngayong eleksyon.

May scam nga kayang mabubuko ang dalawa? Abangan ang sagot ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness ng GMA.

Basahin din ang:

Ang Coco Levy at ang mga Kuwarta-Kuwartahan ng Aking Lolo at Lola

Coconut Farmers’ Grandson Seeks Justice

Eto naman ang mga larawan habang ginagawa ang docu:


100_1499
Interview kay Ka Fausto, maglulukad

100_1505
Nangangawit ng niyog

100_1510
Ang pinsan kong si Oliver sa tapahan

100_1512
Sina Tito Rod at Sir Howie

100_1516
Pagbaak at pagbalunas ng niyog

100_1520
Pagtatapa ng niyog para maging lukad (copra)

100_1528
Relax muna ang I-Wit team saka ako

100_1534
Relax muna ang I-Wit team saka sina Tito Rod, Rowell, at Oliver sa likod

100_1562
Pagtikal ng lukad

100_1574
Interview kay Ka Daddy

100_1572
Mga taga-Ipil kami.

100_1579
Dito po mandin ako naakyat dati

100_1585
Mas komportable ako rito.

100_1546
Sako ng lukad na ipinatitimbang

100_1550
Trak na sakayan ng lukad

100_1489
Interview kay Ka Bobby Tañada

100_1532
Sina Tito Rod at Rowell… Kala ko baga Otoy, kapamilya ka? 😉

100_1551
Kami ni Nanay sa service ng GMA


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts