Ligtas na ang Pilipinas SARS virus, at least for now. Pero may bagong virus na kumakalat sa buong Asia at ngayo’y nasa atin na rin: ang F4 virus.

Kung hindi mo alam kung ano ‘yung F4, okay lang ‘yan. Dati, bago ako mahawa ng girlfriend ko, wala rin akong idea kung ano ang F4, maliban sa matatagpuan ito sa keyboard ng computer. (You know, parang Ctrl at End.) Ngunit huwag mo akong kasuklaman at sorry kung sabihin kong medyo slow ka.

So, for the benefit ng mga slow, ii-explain ko na ‘yung F4 ay ang grupo ng apat na mga kabataang lalaki na bida sa Meteor Garden, isang drama sa TV na galing sa Taiwan. Sila sina Jerry Yan Cheng Xu na gumaganap bilang Dao Ming Si, Vic Zhou Yu Min as Hua Ze Lei, Ken Zhu Xiao Tian as Xi Men, at Vanness Wu Jian Hao as Mei Zuo.

Pero hindi lang ang F4 ang elemento ng F4 virus. Siyempre pa’y hindi mawawala si Barbie Xu Xi Yuan na gumaganap naman bilang Shan Cai, ang magandang babaeng pinag-aagawan ng F4.

Halos buong bansa yata ay infected na ng F4 virus o Meteor Garden mania (na siguradong labis namang ikinatutuwa ng higanteng ABS-CBN dahil nag-aakyat ito tiyak ng grabeng tubo sa kanila). Pagsapit ng 5:30 p.m., nalilimutan ng bayan ang pagiging tuta ng Kano ng kanilang pangulo. Inaabangan ng marami ang palabas at kinikilig sa love triangle nina Dao Ming Si, Shan Cai, at Hua Ze Lei.

Umaabuso na nga ang ABS-CBN sa araw-araw na paggatong sa Meteor Garden mania. At habang nagwawala ang bagyong si Chedeng, ang mga Meteor Garden posters at pictures sa mga bangketa nama’y dinudumog ng mga fans na girls, boys, at charing.

Naiisip ko tuloy kung pati ang UP ay nahawahan na rin kaya ng pagkaadik sa Meteor Garden. Ang mga TV kaya sa Kalayaan at iba pang dorms ay nakatutok sa Channel 2 kapag 5:30 na? May mga nakadisplay na kayang Meteor Garden posters sa mga kuwarto ng mga iskolar ng bayan? O di kaya’y may mga larawan na ng F4 at ni Shan Cai sa kanilang mga wallet?

Balita ko, kaya yata Meteor Garden ang tawag sa palabas, dahil may isang eksena kung saan habang binibigyan ni Dao Ming Si si Shan Cai ng magandang kuwintas ay nagkaroon ng meteor shower. Nasa balkonahe yata sila ng mansyon ng lalaki at syempre, kadalasa’y tanay mula sa balkonahe ang hardin (di lang ako sure kung ganito ang ayos ng mga mansyon ni Erap para sa kanyang mga kulasisi). How romantic, ‘no? Sabi nga lang ni Ate Glow (na taga-MassComm), ansaya-saya, ‘no?

Meteor shower? Garden? Hmmm, familiar din ‘yan sa mga taga-UP. Ilang beses na ba tayong nanood ng meteor shower sa Sunken Garden? Kahit nga sa Peyups.com forums, may thread pa tungkol sa panonood ng pagbagsak ng mga bituin mula sa kalawakan habang nakahiga at nagkakan…tahan sa Sunken.

At saka I’m sure, mas matitinding love story at kung anu-ano pa pa ang nabubuo (o kaya’y nawawasak o napupunit) sa Sunken.

Hmmm, kung gayo’y talagang hindi lamang sa Taiwan may Meteor Garden, sa pamantasang hirang din. Pero sana, kahit may SARS sa Taiwan, huwag nang magkaroon nito sa UP!

Unang nalathala sa kolum na Tembtation sa Peyups.com.