Patapos na ang pag-aalsa nina Senador Antonio Trillanes IV, Heneral Danilo Lim at Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona sa Manila Peninsula.
Sumuko rin sila.
Nagulat lang ako sa reaksyon ng mga tao sa Twitteria, na sa palagay ko’y kapareho ng naramdaman ng marami sa ating mga kababayan. Naiintindihan ko naman sila. Mas masarap nga namang mabuhay sa Enchanted Kingdom kaysa maglakbay tungo sa isang di-tiyak na patutunguhan.
Ito na lang ang nasabi ko: “Sa kaloob-looban natin, gusto rin natin ng pagbabago. Ngunit nagagalit tayo sa mga mapangahas na nais gumambala sa maalwan nating pamumuhay.”
Nakakatakot ang pagbabago.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
[…] na involved sa Oakwood Mutiny noong Hulyo 27, 2003, Marines standoff noong Pebrero 26, 2006, at Manila Peninsula siege noong Nobyembre 29, 2007. Ayon daw sa certification mula sa Armed Forces of the Philippines, […]
hindi kaya tayo ang takot ? o tayo ang mga duwag ? pag ako ang nag sumigaw sa amin na ” tara mga kabayan lumaban tayo !! ” may sumama kaya sa akin ? siguro mag mumukha akong tanga ! Panahon na po para baguhin ang buhay Pinoy !!
nakakatakot nga ba ang pagbabago? maganda ang pagbabago ngunit kung ito ay para sa ikabubuti ng isang indibidwal o ng nakararami. hinid ako sumasangayon sa pagkubkob ng grupo ni Trillanes sa Manila Pen sa kadahilanang pilit nilang ginawang hinog ang hindi pa hinog. Hindi tuloy tinangkilik ng marami. Tama ang may ipinaglalaban subalit dapat ay nasa lugar. i will link your site, ederic. so informative and sensible. 🙂
nakakatakot nga ba ang pagbabago? maganda ang pagbabago ngunit kung ito ay para sa ikabubuti ng isang indibidwal o ng nakararami. hinid ako sumasangayon sa pagkubkob ng grupo ni Trillanes sa Manila Pen sa kadahilanang pilit nilang ginawang hinog ang hindi pa hinog. Hindi tuloy tinangkilik ng marami. Tama ang may ipinaglalaban subalit dapat ay ginagawa sa tamang panahon at lugar. i will link your site, ederic. so informative and sensible. 🙂
^ paano siya lalaban sa loob kung ayaw siyang paattendin ng Senate session ng kanilang court martial kahit na wala pang kasong ichinacharge sa kanila?
di ko maintindihan ang gusto nya, hindi kaya style lang para makakandidato sa presidential election sino sa kanila ni guingona, wala akong makitang dahilan bakit kailangan nila gumawa ng makalumang sistema ng pag-aalsa, isip naman sila ng bagong style ano! Nasa puwesto ka na eh! bakit di sila lumaban sa loob mas marami silang magagawa kaysa magpatwitam ano! patunayan nila na di sila kayang dalhin ng sistema, diba kaya nga sila kumandidato at pinagkatiwalaan ng tao dahil para maisigaw ang boses ng masa! anong silbi ng pagboto sa kanila kung wala silang magawa doon. Matatanda na sila umisip sila ng bagong style ano, luma na yan, nabenta na bago naman!
medyo na-misunderstand mo ako, JM. hindi nila ito ginawa just to cause a commotion. it’s Stage 1 of a bigger movement.
Sabi nila Trillanes nung umpisa, nung tinanong kung anong gagawin pag nilusob sila ng mga pulis, “Mangyari na ang mangyayari.”
Tapos nung nilusob sila ang sabi, “we’re just concerned for the civilians’ safety.”
Okay na sana eh, willing na sana akong pumunta ng Makati nang may nag-aya. Tapos ganito. Nakaka-frustrate.
Feeling ko tuloy tama si Paeng. Gusto lang nila gumawa ng commotion, parang wala naman talagang ibang intention. Yung mga sinabi nila, narinig ko na sa Oakwood yun. Gusto ko si Trillanes pero kaya nga siya nasa ganyang posisyon ngayon dahil sa pagkabigo niya noong 2004. Hay.
there is a thing such as a plan to lose, just provoking the enemy to overact or to make a mistake.
@aajao: Naiintindihan ko ang punto mo. Ganyan din ang sinabi ng bestfriend ko nang mag-usap kami kanina. “Senador na siya, bakit kailangan pa niyang gawin ‘yun?” sabi niya sa akin.
Pero alalahanin nating kahit senador na siya, may kulang at may MH o malaking hadlang sa pagganap niya ng ilang tungkulin. At yung mga nag-Hello Garci, humi-hello hello pa rin. Unfair kasi ang mundo.
Siguro, nagiging impatient lang si Trillanes. Ako man, nagiging impatien din. Kaya lang, ayoko rin ng karahasan.
@aloyoy: Maybe we’re just to tired to join his revolt. O maybe we want to see him doing things in other ways.
@Paeng: Which plan?
No. It looks like everything actually went according to plan.
Sad. We deserted Trillanes. Guilty din ako.
ako una. 🙂
hanga ako kay Trillanes. nang unang maganap ang “Oakwood Mutiny”, hanga talaga ako sa katapangan niya. higit sa katapangan, ang hangarin niyang pagbabago sa ikabubuti ng bansa at hindi siya naduwag banggain ang mga malalaking tao na masasagasaan ng pag-aalsa niya. isa ako sa naghangad na sana ay may marating ang hangaring iyon na sa tingin ko ay tunay namang dalisay at para sa kapakanan ng kinabukasan ng ating bayan.
fast forward….
naihalal siyang mambabatas. nabigyan ng pagkakataon upang maglingkod sa bayan sa “bagong” posisyon na hinangad niya. pagkakataon na niyang maglingkod sa bayan at magkaroon ng pagbabago— ibang larangan nga lamang. pero bakit ganun? hindi pa man siya nakakapagsimula sa “bagong” tungkulin sa bayan, pilit niyang ibinabalik ang dating paraan ng pagkilos? oo, sundalo siya. pero senador na rin siya ngayon. sa pagiging sundalo, hindi siya inihalal ng mamamayan. sa pag-upo sa senado, may mga tao nang umaasa sa kanya. bakit ganun pa rin ang naging asal at naging pagkilos niya?
sayang.