Isang taon at isang araw matapos ang halalang pampanguluhan
sa gitna ng napakainit na panahon at nagbabagang mga balita–
27 namatay sa aksidente sa bus sa Benguet;
Peryodista sa Aurora pinatahimik;
Sa bagong VAT: may makukulimbat?
Ang Kiukok at Romy Diaz namayapa na–
may makulit lang akong tanong:
Ipinagmamalaki mo pa rin ba ang ginawa mong desisyon
noong nakalipas na eleksyon?

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
Patrice: Salamat sa pagdaan.
Vince: Ok lang ‘yan.
ederic: hahaha! hulaan mo! 😛
btw, i think it’s ok to link me back now. thanks for putting up with my mood swing last week.
buti na lang hindi ko siya ibinoto…
napadaan lang from pinoyblog 🙂
Sa tanong mo, naalala ko tuloy ang Bangon! movement ni datng bise-Presidente Guingona. Iba ito sa Bangon Pilipino at sa Bangon Pilipinas ni Brother Eddie. Ang Bangon! ay isang independienteng samahan ng mga naniniwalang kailangan ang pagbabago. Naakit nito ang mga respetadong indibidwal mula sa magkabilang dulo ng political spectrum. Kabilang sa mga isinulong nito ang reporma at pagkilos laban sa katiwalian, nangakong babantayan ang pangangasiwa ng katarungan sa bansa at tutulong upang maging malinis at tapat ang pambansang halalan. Pero nabuwag na yata ito matapos pumanig si Guingona kay FPJ noong isang taon.
Basilio: Kapag binasa mo ulit ‘yung entry at pinansin ang punctuations, makikita mong walang kaugnayan yung mga balitang binanggit ko sa tanong na aking ibinato. Salamat sa tula. Ano nga pala yung business setup?
Dante: Sa tingin ko, taas noo ka pa rn. 😉
Buddy: Tama ka.
The Peregrine: Hmmm, sino kaya kandidato mo noon? 😀
Mhay: Kilala ko rin kaya sila? Hehe.
Vivenz: Welcome sa ederic@cyberspace. Saya, naunsyami pala ang first time ninyo.
[unang komento!]
Magandang Araw!
Isang Taon na pala at dalawang araw ang nakalipas ng kami at ng aking utol, ay naghintay sa wala sa dapat sanang pers taym na pagboto. Naunsyami dahil sa wala daw sa listahan ang aming mga pangalan. OO, tama ka! Kabilang kami sa mga biktima!
Mabuhay ka, ederic!
Ako oo pero may mga kilala akong hindi, hehe.
nope. i don’t regret participating in electoral exercises. i just wish people would vote the way i do. hehehehe!
Di ako bumoto. Pero nagbabayad ako ng buwis. May karapatan din akong magreklamo.
i didn’t vote for GMA in the last elections. i went for Roco. 🙂
sya nga pala, bukas uli ang imbitasyon ko tungkol sa “business set up” … kung naaalala mo pa. $3 ang rate ngayon for each valid registration.
shet, patay na si ang kiukok? kainis. paborit ko pa namang pintor yun. 🙁
Napakagandang tanong! Gayumpaman hindi ko makita, o malamang ay nakita ko na ang gustong paroonan ng iyong tanong, ngunit ayokong isipin na iyon ang tinakbo ng iyong mga salita.
Isa isahin natin kaibigang Ederic,
1. 27 namatay sa aksidente sa bus sa Benguet; —> Hindi ko mabigyan ng tuwirang relasyon ang eleksyon at ang pagkamatay ng 27 katao sa aksidente. Sabihin na nating seguridad ang isyung napapaloob dito, hindi sa bawat pagsabog ng kotse, gusali o utak ng isang senador, gobernador o baranggay tanod ay masisisi ko o maitutunton ko sa tintang nagmantsa sa (sana’y aking )balota noong nakaraang eleksyon.
2. Peryodista sa Aurora pinatahimik; —> walang pinagkaiba ito sa kidnapan, holdapan, nakawan … mga krimen. Hindi mabubura ng tinta sa balota ang kagagawan ng mga kriminal. Ibalik man (sa epekto at kabuluhan) ang parusang pinal, wala pa rin mangyayaring kagila gilas, kahanga hanga.
3. Sa bagong VAT: may makukulimbat?; —> may VAT man o wala, may nangungulimbat. Ang pangulo ba ang nangulimbat? Kung sakaling sya nga, nagiisa ba sya? Maraming sabi sabi, asan ang ebidensya? Ang intensyon ng VAT ay hindi para KURAKUTIN, kundi sa iba pang pinaglalaanan, nasa kamay na ng ibang naiboto kung hahayaan na ito ay mapunta sa iba.
at marami pang yada yada yada … so bago ko tapusin ang sobrang dramang komentaryong iyo, hayaan mong mag iwan ako ng maiksing tula:
Pilipinas, Nasaan ang Iyong Kalayaan?
Bulag at bingi ang langit
sa iyong mga daing.
Pilantod kang tumatakbo
sa pangarap ng anak mo.
Marahil mas matamis na
ikandado ka sa ibang Estado
Pipit na naka hawla,
Wala kang nang iisipin.
Mas mainam …
Kaysa malayang pinupula,
ng iyong kapitbahay at
sariling kaluluwa.
Panginoon, maaawa ka.
Ipasakop mo sanang minsan pa.
Panginoon, maawa ka,
Ipasakop mo sanang minsan pa.
Mahirap na tanong yan Ederic, kasi kulang sa impormasyon sa mga nangyayari ang karamihan sa ating mga kababayan. At hindi lang yun, kulang din tayo sa pag-analyze ng mga impormasyon na ito na pwede nating mapagkatiwalaan. Meron bang critical authority na pwede nating mapagkatiwalaan — isang grupo na walang kinakatakutan at walang kinakampihan???